• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isa sa tatlong stories na pini-pitch sa producers: JOROSS, gustong mai-direk sina ANGEL, BEA at JUDY ANN

PAGKATAPOS na makilala bilang aktor, gusto naman ngayon ni Joross Gamboa na makilala bilang direktor.

 

May tatlong stories na ipi-pitch si Joross sa ilang producers na dasal niya ay mabigyan ng chance na magawa.

 

 

“Gusto ko, ‘yung idi-direct ko, ako rin ang magsusulat. One is a sports comedy with a twist. Magugustuhan ito ng mga bagets because the treatment is light. About basketball, ako ‘yung bida. Sayang dahil ako na rin ang nag direct, pero hindi ako ‘yung magaling.

 

 

“Ang bida ‘yung storya. Inspired by Stephen Chow’s kind of comedy. Gusto kong leading lady si Alessandra de Rossi. Isa siya sa pinakamagaling na leading ladies pagdating sa batuhan ng linya.

 

 

“Kapag nag-absorb siya, may ibinabalik siya agad sa ‘yo. Magaling siyang artista. Laging may makukuha ka agad sa kanya. Magaling siya sa comedy at drama,” sey ni Joross.

 

 

Ang isang story ay tungkol sa cancer na naapektuhan ang isang pamilya.

 

 

“Personal experience ko rin dahil ang mommy ko nagka-cancer, but gumaling na rin siya. But my lola died of cancer in 2017, before the pandemic.

 

 

“Ang gusto kong bida, Angel Locsin or Judy Ann Santos. Tatlong may cancer then may nag-aalaga sa kanila. May pagka ‘Patch Adams’ na babae ang story. We can include Bea Alonzo. Then isang bata.”

 

 

Ang pangatlong story ay romantic-comedy with a twist.

 

 

“Puwedeng digital or even global, but isipin mo kung paano ang atake. Siyempre, dapat merong influence of our culture, dapat may touch of Filipino. Bagong artista ang gagamitin ko. Pwedeng i-audition namin.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Joross sa GMA afternoon teleserye na ‘The Missing Husband’.

 

 

***

 

 

IBINAHAGI ni Pokwang kung ano ang nangyari sa kanyang itinayong online food business na Mamang Pokwang’s Gourmet.

 

 

Ang Mamang Pokwang’s Gourmet ay ang kanyang food business kung saan nagbebenta ang TiktoClock star ng gourmet tuyo, tinapa, laing, at iba pa. Kasama rin dito ang kanyang sumikat na roasted chicken.

 

 

Sa isang Instagram post, nagbigay ng update si Pokwang kung ano na ang nangyari sa kanyang food business na sumikat online.

 

 

“Sa mga nagtatanong nasaan na ang @mamangpokwangs_gourmet #tuyo #tinapa #laing #sukà #alamang #aligue at roasted chicken??? well 2024 ang muli kong pagbangon.”

 

 

Dugtong pa ni Pokwang ay pinapaganda niya pa ang kanyang kusina para sa nalalapit nitong pagbubukas sa 2024.

 

 

***

 

 

NI-REVEAL na nila Rihanna at ng partner niyang si A$AP Rocky ang kakaibang pangalan ng second baby boy nila.

 

 

Sa naturang birth certificate, nakalagay ang pangalan na Riot Rose Mayers.

 

 

Named after ang second baby nila sa song na ni-release ni A$AP Rocky titled “Riot” noong nakaraang July at collab nila ito ni Pharrell Williams.

 

 

Nakalagay din sa birth certificate na sinilang si Riot noong August 1 at 7:41 a.m. at Cedars-Sinai Medical Center in L.A.

 

 

Ang first baby boy nila ay pinangalanan nilang RZA Athelston Mayers. Nag-turn 1-year old ito last May.

 

 

Sa pagiging mother, ito ang nasabi ni Rihanna: “It is crazy. It is amazing. It’s wild. It’s weird. It’s all of those things, all at once. The best feeling, the best. The most love I’ve ever known. I can’t describe it. It’s new. It’s fascinating. Every step, every facial expression, every new milestone. I love it. Your tolerance level goes down, but your patience goes up, if that makes any sense.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert: BEA at JERICHO, parehong excited na makatrabaho ang mga beterano sa teatro

    KAPWA magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert’ sina Bea Alonzo at Jericho Rosales.      Sa May 6 na ito at magaganap ito sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila.     On Instagram, nag-share sina Echo at Bea ng kanilang excitement na makakatrabaho nila ang mga veteran theater performers sa ‘Ang Larawan: The Concert.’   […]

  • Filipino actors, bida sa Romanian film na ‘To The North’: Movie ni JOHN LLOYD, magku-compete din sa ‘2022 Venice Film Festival’

    TATLONG Filipino actors ang mga bida sa Romanian film na To The North at magku-compete ito sa Orizzonti section ng 2022 Venice Film Festival.       Ang Love You Stranger actor na si Soliman Cruz ang bida sa To The North na tungkol sa isang religious Filipino sailor na si Joel na sakay ng […]

  • OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre

    Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group.     Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26.     Mas mababa ito kumpara sa […]