Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.
Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso.
“Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February, talagang magdi-deliver sila ng 50,000 at pagdating po ng Marso magdi-deliver sila ng 950,” anito
Maliban aniya ito sa 600,000 na Sinovac na donated ng pamahalaang China na ginagamit na sa kasalukuyan sa mga health workers.
Sinabi nito, mamaya ay paparating naman ang 4787, 200 doses ng mga bakuna na Astrazeneca galing ng COVAX Facility habang pagdating ng Abril ay dito na sisipa ang pagbuhos ng bakuna na nabili ng gobyerno.
” Opo, iyong COVAX Facility ay inaasahan po natin na mayroon pa tayong 500,000 plus so sigurado po iyan darating ng Marso. So sa tingin ko po hindi na maaantala ito at pagdating po ng Abril eh diyan naman po sisipa iyong marami rin nating nabili rin ‘no. At kaya nga po kampante po ang gobyerno na tuluy-tuloy na po ito at sa lalong mabilis na panahon sana matapos po natin ang mga health workers, 3.4 million po iyan. Pagkatapos po sana ay mayroon na tayong makuha para sa mga seniors dahil iyon na po ang ating susunod na target ng ating vaccination,” lahad nito.
-
P10-M alok para sa pag-aresto kay Quiboloy
INANUNSIYO ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mayroong pabuyang P10 milyon sa sinumang makakapagturo para tuluyang maaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Dagdag pa ng kalihim na mayroon ding tig P1-milyon na pabuya sa tatlong kasamahan ni Quiboloy sa kaso na sina […]
-
PUJ CONSOLIDATION, MULING BINUKSAN NG LTFRB
BINUKSANG muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga aplikasyon para sa konsolidasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno hanggang November 28 ngayong taon. Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga unconsolidated public utility vehicle drivers at operators ay maaari nang maghain ng aplikasyon […]
-
Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagya uling tumataas
Nagpaalala muli ang OCTA Research Group sa mamamayan ng Metro Manila nang ibayong pag-iingat makaraang ma-monitor ang unti-unting pagtaas muli ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Sa datos mula sa grupo sakop ang petsang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, tumaas man sa .68 mula sa .57 ang COVID-19 reproduction rate […]