ISANG MILYONG PISO, NATANGAY SA ISANG JEWELRY SHOP SA MAYNILA
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG isang milyong piso ang natangay sa isang kabubukas lamang na jewelry shop ng hinihinalang tatlong suspek Miyerkules ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa may-ari ng Dulo’s jewelry na si Dulo Cai , isang Filipino-Chinese na kabubukas lamang niya ng kanilang store na matatagpuan sa Recto Avenue sa pagitan Torres St at ng Rizal Avenue nang pumasok ang isang lalaki.
Sa kuha ng CCTV footage ng jewelry store, may dalawa pang lalaki na posible umanong kasabwat at nagsilbing look out at sumenyas nang nalaman na nag-iisa lamang ang biktima.
Ayon pa kay Cai, tinutukan siya ng baril ng suspek kaya hindi na ito nakapalag pa .
Kasunod nito, tinangay ang bag nito na naglalaman ng kalahating milyong piso bukod pa sa mga gintong alahas na nagkakahalaga rin ng kalahating milyon.
Sinubukan naman ng mga tambay sa jewelry store at guwardiya ng katabing hotel na sumaklolo sa biktima ngunit maging sila ay tinutukan ng baril. (GENE ADSUARA)
-
Listahan ng multa sa single ticketing system aprubado na
APRUBADO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang matrix ng multa naibabayad ng mga mahuhuling motorista na lalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng single ticketing system na nasa Metro Manila Traffic Code. Inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang linggo ang multa mula P500 hanggang P10,000 depende sa violation […]
-
Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa
BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes. Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang […]
-
CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin
KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Enero, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19. Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang […]