Isinugod sa ospital dahil ilang araw ng maysakit: RURU, kinilig nang husto sa labis na pag-aalaga ni BIANCA
- Published on January 15, 2024
- by @peoplesbalita
ISINUGOD sa ospital pagkatapos na mag-taping para sa teleseryeng ‘Black Rider’.
Base sa kanyang Instagram post, “Last night, kinailangan kong dumiretso sa E.R. from taping… dahil ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita.
“Sinabihan ng Doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. Meaning, pause muna sa trabaho.
“Nakakalungkot na sa araw na ito, mayroon po sana akong trabaho… pero hindi po ako pinayagan ng Doctors gawa ng baka lalo daw po lumala ang nararamdaman ko at mas marami pang commitments ang hindi mapuntahan.
“I feel bad na kailangan po umabot sa ganitong sitwasyon at naapektuhan ang trabaho. Kanina when I checked my phone nakita ko ang isang post sa commitment ko today ng mga taong nag eexpect po na makita po ako… at parang dinudurog ang puso ko na hindi ako makakapunta.
“Gusto ko po humingi ng paumanhin… gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan.
“Babawi po ako sa inyo, Pangako po yan! Godbless po at magpapagaling ako agad! 🙏♥️”
Dagdag pa ni Ruru na labis ang pasasalamat sa girlfriend na si Bianca Umali…
“P.S – May isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung nag cchills ako dahil ba sa sakit o sa Kilig 😅
“Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nag asikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat at nag-alaga sa akin. Mahal na mahal kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman.♥️”
Samantala,bukod sa paglaban sa kasamaan sa “Black Rider”, may bagong responsibilidad, this time sa tunay na buhay, na haharapin ang Kapuso actor.
Si Ruru kasi ang bagong hinirang na Anti-Piracy Ambassador ng Kapuso Network.
Kasama sa kampanya ng GMA na “Stream Responsibly. Fight Piracy”, ginanap ang oath-taking ceremony ni Ruru na pinangunahan ni Atty. Annette Gozon-Valdes (GMA Senior Vice President) kung saan naroroon din sina Joseph T. Francia (First Vice President and Head of International Operations) at Ann Claire Cabochan (IPO Deputy Director).
Lahad ni Ruru, “It’s an honor na ako po ang napili to be part of this new campaign ng GMA which is the anti-piracy campaign.
“Ito po kasing ginagawa natin is for the future of entertainment industry din.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Fil-Japanese golfer Yuka Saso nasa pangatlong puwesto sa may pinakamaraming nalikom na premyo
Nasa pangatlong puwesto ngayon si Filipino-Japanese golf star Yuka Saso na may pinakamaraming napanalunang premyo sa torneo ng golf. Ayon sa The Ladies Professional Golf Association (LPGA) Money List na mayroong $1,214,954 ang nakuhang premyo ni Saso. Nanguna naman sa listahan si Nelly Korda ng US na mayroong $1,941,977 at pangalawa […]
-
Sean, nag-audition para maging support pero nakuhang bida
MASARAP kausap si Sean De Guzman, ang member ng Clique 5, na bida na sa Anak ng Macho Dancer na produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano. Wala siyang iniiwasan na tanong. Game siya sumagot sa kahit na anong tanong. Ready rin siya to share anything about his childhood and his family. […]
-
PCSO kasado na sa pamamahagi ng ayuda
TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na handa na sila sa pamamahagi ng relief goods para sa mga taong maaapektuhan ng bagyong Betty. Kasunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya na kailangan maghanda para sa malawakang operasyon ng pagtulong sa mga lugar na maaapektuhan […]