• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: JULIE ANNE, nanghinayang na ‘di nakasama sa concert ni REGINE

Nanghinayang si Julie Anne San Jose na hindi siya nakasama sa concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang isugod sa ospital.

 

 

Dinala si Julie sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan at migraine.

 

 

Ayon sa Asia’s Unlimited Star, nakapag-ensayo na siya isang araw bago ang naturang concert ni Regine. Kaya naman inaasahan niya ang naturang production number sana nila ng Asia’s Songbird.

 

 

“Paggising ko, bigla na lang ako nagsusuka tapos it went on for hours eh. Tapos sabi ko ayoko munang dalhin ‘yung sarili ko sa ospital kasi baka mamaya mawawala naman.

 

 

“Pero nung nagdire-diretso na hindi na talaga tumitigil, nagpaospital ako. Natakot din ako at tsaka ‘yung family ko natakot din sila. Even Rayver (Cruz) was there, pinuntahan din niya ako sa hospital.”

 

 

Nagpapasalamat si Julie Anne na naunawaan ni Regine ang kanyang kalagayan.

 

 

“Siyempre I felt bad pa rin kasi talagang looking forward ako na makasama ulit si Ate sa stage,” sabi pa ni Julie Anne na kakauwi lang mula sa successful Sparkle in Canada shows.

 

 

***

 

 

MAY mensahe si Kylie Verzosa sa netizens na nag-iwan ng body-shaming comments sa kanyang Instagram post na makasuot siya ng bikini.

 

 

Nag-post si Kylie ng “Get Ready With Me” video, na ipinakita niya ang kanyang diamond bikini top na sinamahan niya ng light-blue cargo pants at white boots para sa annual festival ng online retailer Revolve.

 

 

Sa comment section, may mga netizen na nag-iwan ng nakaiinsultong komento gaya ng “too dry” at “ugly.”

 

 

May mga nagtanong din kung may health problem o eating disorder ang beauty queen-actress.

 

 

Gayunman, may mga netizen naman ang nag-iwan din ng positibong komento at nagtanggol kay Kylie.

 

 

“I’m perfectly healthy and happy, I eat healthy and I take very good care of my health. It’s sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home. We’re far behind, and yet here we are still commenting on other people’s bodies,” sagot pa ni 2016 Miss International.

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • Jullebee Ranara, inilibing na

    INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5.     Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa […]

  • KOREA PICKS “CONCRETE UTOPIA” FOR INTERNATIONAL FILM RACE AT THE OSCARS, FILM TO MAKE NORTH AMERICAN PREMIERE AT THE 48TH TORONTO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

    THE Korean Film Council (KOFIC) has unanimously chosen the disaster epic Concrete Utopia to represent South Korea in the selection for Best International Feature Film at the 2024 Academy Awards.       In a statement on their official website, KOFIC said that they tried to select “a film that is Korean, yet aims for a global […]

  • Pagpasok sa Pinas ng foreign nationals at returning OFWs, suspendido

    PANSAMANTALANG sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos  (OFWs) na non-overseas workers sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.   Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan lamang ang inbound international passengers sa 1,500 kada […]