Isko at Honey naghanda vs Delta variant
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.
Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Yorme Isko at Vice Mayor Honey upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.
Sinabi ni Bagatsing, lahat ng precautionary measure ay ginagawa ni Yorme at Honey bago pa lang ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.
“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the COVID Delta variant. The Luneta field hospital, the free drive-thru covid testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing.
Aniya, maraming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng COVID ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailangan hinggil dito.
Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko.
Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko. (Gene Adsuara)
-
‘Family Matters’, big winner at waging Best Picture: NADINE, muling nakasungkit ng ‘Best Actress’ award sa FAMAS
SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ni Nadine Lustre ang Best Actress trophy sa 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), para sa pelikulang “Greed” na tungkol sa isang mag-asawa na nanalo ng pinakamalaking jackpot sa lotto. Una siyang nagwagi ng major award sa nasabing award-giving body, nang gampanan niya ang role […]
-
4,000 pulis sa NCRPO, ikakalat para bantay-eleksyon
NAGPAKALAT na ng nasa 4,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang tagumpay at makamit ang ‘zero election related incidents’ sa panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato simula ngayong Marso 25, 2022. Ayon kay NCRPO chief, P. Major General Felipe Natividad, handa na ang kapulisan sa pagpapatrulya […]
-
85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH
Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’. “Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in […]