• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isko iginiit si Doc Willie pa rin kanyang VP

NANINDIGAN  si 2022 presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na si Dr. Willie Ong pa rin ang kanyang katambal sa pagkabise presidente — ito kahit nangampanya siya sa Mindanao kasama ang mga nagsusulong ng Isko-Sara Duterte tandem.

 

 

Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kandidato sa pagkabise presidente ni presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“Ako po, Isko-Doc Willie. Period,” paglilinaw ni Domagoso sa interview kasama ang media, Martes.

 

 

“‘Yung mga organisasyon na kanya-kanya… as a candidate hindi naman natin mapipigilan ang mga choices ninyo [na iboto ang hindi magkapartido sa highest positions] kasi hindi naman tayo two-party system katulad ng Estados Unidos na kapag binoto ang presidente, panalo na ang vice president.”

 

 

“In the case of Doc Willie and I, kami talaga. Straight forward, Isko-Doc Willie.”

 

 

Una nang sinabi ng campaign manager ni Domagoso na si Lito Banayo na kinausap niya si Ong na huwag munang sumama sa campaign sorties sa Mindanao ngayong linggo lalo na’t may ilang grupo roon na ipinagpapares ang Manila mayor kay Duterte-Carpio, na taga-Davao.

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na Sabado nang sabihin ni Domagoso na umaasa siyang ieendorso siya ng ruling PDP-Laban party ni Digong, na tatay ni Inday Sara. Wala pa rin kasing ineendorso ang PDP-Laban sa pagkapangulo sa ngayon.

 

 

“Ayaw namin siyang mapahiya [sa Mindanao]. If you’re true to your partner [hindi mo ‘yun gagawin], baka maalanganin ka lang. Kasi may iba naman silang [organizers] preferred candidate, which is sila naman ang nag-host, sila naman ang gumastos, sila naman ang tumulong,” dagdag pa ni Domagoso sa media.

 

 

“I’m grateful to Doc Willie, talagang naniniwala siya sa akin, in the same manner, naniniwala rin ako kay Doc Willie.”

 

 

Nananawagan naman si Domagoso sa publiko na sana kilalanin pa nang husto ang kanyang kasama sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko, bago ang eleksyon. Kilala si Ong sa kanyang sari-saring health tips na ipino-post sa sari-saring social media platforms, at natalo noon sa pagkasenador noong 2019 midterm elections.

 

 

Lunes nang magpaskil si Ong ng kanyang video statement sa Facebook kaugnay ng isyung “mix and match” ng mga kandidato, habang pinasasalamatan ang kanyang mga tagasuporta. Gayunpaman, itutuloy-tuloy lang daw niya ang kanyang pangangandidato upang puntiryahin ang posisyon ng ikalawang pangulo.

 

 

“Focus lang ako sa kailangan kong gawin. Salamat kay Mayor Isko, pinili niya ako, nakatakbo tayo bilang vice president, pero ngayon nasa akin na ‘yung bola eh. So tuluy-tuloy tayo hanggang May 9, walang atrasan ito,” banggit niya kahapon.

 

 

“Wala namang magbabago… eye on the ball ako eh. Kailangan kong manalo kasi kailangan kong maibigay ‘yung tulong sa mahihirap, sa gamutan, sa pagkain.”

 

 

Wala rin naman daw siyang galit sa puso niya dahil hindi ito makatutulong. Matatandaang nasa ikaapat na pwesto si Ong pagdating sa VP preference ng mga Pilipino sa January Pulse Asia survey, matapos makakuha ng 5%.

 

 

Hindi naman naiwasan ng netizens na maawa kay Doc Willie dahil sa nangyayari, lalo na’t tila iniwan daw sa ere ni Isko Moreno ang kanyang partner.

 

 

“Parang nalungkot ako for Doc Willie Ong. ????????????,” wika ng  komedyante at talent manager na si Ogie Diaz kahapon habang nagpopost ng litrato ni Domagoso na nakasakay sa kotseng may poster na Isko-Sara.

 

 

Ganyan din naman ang ipinahiwatig nang marami online sa pamamagitan ng memes, kung saan magkahalong katatawanan at awa ang nararamdaman ng internet users.

 

 

Sa post na ito sa FB group na memes out 4 du30: election year, makikitang binitiwan ni Isko si Doc Willie habang makikita namang pinag-aagawan nina Bongbong at Isko si Sara sa isang paskil sa grupong New Malacañang Pro-Wrestling. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ngayong isa na sa board member ng PCSO: IMELDA, isang linggong serbisyo ang handog sa mga nangangailangan

    NAIS ni Imelda Papin, ang newly appointed acting member of the Board of Directors ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, na palawigin ang operasyon ng ahensa tuwing weekend.   Ayon sa naging pahayag ng Asia’s Sentimental Songstress, “Although, I already announced it after the oath-taking, yung aking gustong ipaabot sa board at maaprubahan itong […]

  • PBBM, muling isinulong ang ROTC revival pitch matapos ang Northern Luzon quake

    MULING isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuhay sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga eskuwelahan.     Para sa Chief Executive, kailangang matuto ng mga kabataang Filipino ng  disaster-preparedness skills bunsod na rin ng kamakailan lamang na magnitude 7 earthquake na umuga sa ilang bahagi ng Northern Luzon.     […]

  • Muling nakunan at maghihintay kung kailan magkaka-baby: ALEX, suportado ni MIKEE at masaya na silang dalawa lang

    NAKUNAN palang muli si Alex Gonzaga nitong October.     Inilahad ni Alex ang kanyang malungkot na karanasan sa vlog ng ate niyang si Toni Gonzaga.     Nag-try sina Alex at mister niyang konsehal sa Batangas na si Mikee Morada na makabuo muli ng anak via IVF o in-vitro fertilization.     Ayon sa […]