• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule

PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon.

 

 

Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya ng buong suporta sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 3 na nag-aalis na ng mandatory face mask use sa outdoor settings o sa mga lugar na may magandang bentilasyon.

 

 

Sinabi ng kalihim na dapat na pangunahan ng LGUs ang pagtiyak na tumatalima ang mga mamamayan sa indoor at public transport face mask rule sa kani-kanilang nasasakupan.

 

 

Inatasan na rin umano ni Abalos ang Philippine Natio­nal Police (PNP) na tulungan ang LGUs sa pagtiyak na ang indoor at public transport face mask rule ay inoobserbahan ng mga mamamayan.

 

 

Hinikayat din naman ni Abalos ang mga high-risk individuals, o yaong senior citizens, immunocompromised individuals, at mga hindi pa fully vaccinated, na magsuot pa rin ng face mask at obserbahan ang physical distancing sa lahat ng pagkakataon. (Daris Jose)

Other News
  • Wimbledon Grand Slam tournaments pinagbawalan ng makapaglaro ang mga Russian at Belarusian players

    PAGBABAWALAN na ng Wimbledon Grand Slam tournaments ang mga manlalaro ng Russia at Belarus.     Ito ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine.     Sa kasalukuyan kasi ay nakakapaglaro ang mga manlalaro ng Russia at Ukraine sa mga ATP at WTA events dahil sa paggamit ng neutral flags mula ng […]

  • Ads January 27, 2023

  • Ads October 18, 2022