ISTRIKTONG MASS TESTING, IPATUTUPAD SA MALABON
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na ipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang istriktong mass testing kung saan maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ito ang napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID).
Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay “Disobedience to a Person in Authority” o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng “Non-cooperation” ayon sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.” Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.
Ang sinumang lalabag sa parehong batas ay maaaring mag-multa o kaya ay ikulong, batay sa desisyon ng hukuman.
Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.
Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawain upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Richard Mesa)
-
Vice President Sara, sumagot sa ‘Resign Marcos’ ni Baste
NAGLABAS na kahapon si Vice President Sara Duterte ng reaksiyon hinggil sa panawagan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa kanyang kaalyadong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa tungkulin kung wala naman aniya itong pagmamahal sa bansa. Ayon kay VP Sara, na siya ring kalihim ng […]
-
NORWEGIAN, CHINESE NATIONAL, INARESTO NG BI
DINAKMA ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang pedopilyang Norwegian na inakusahan sa pang-aabuso sa mga menor de edad sa kanilang bansa at isang Chinese national na wanted sa pagpapatakbo sa isang pyramid investment scam. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na Karstein Kvernvik, a.k.a. Krokaa Karstein Gunnar, 50, ay […]
-
NDRRMC, pinag-iingat ang mamamayan sa mapagsamantalang kumukuha ng donasyon sa mga biktima ng bagyo
Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga nais na magbigay ng anumang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na ibigay ito sa mga mapagkakatiwalaang grupo. Ayon sa NDRRMC, na hindi pa rin maiwasan na may mga ilang grupo ang sinasamantala ang pagkakataon. Dapat aniya na tignan ng […]