Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon
- Published on July 27, 2022
- by @peoplesbalita
NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon.
Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya.
“It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos I was never a runner before, and I couldn’t even stand doing any sort of cardio then. But I’ve always looked at runners with a lot of respect,” post ni Pia sa kanyang Instagram page.
Sa in-upload niya photo ay suot niya ang kanyang running outfit and hydration belt habang nakatanaw siya sa Lake Como in Italy.
Dagdag pa niya: “But here I am getting ready for the NYC marathon @nycmarathon. It will be my first ever marathon & I’ve been training for it since late Feb.”
Isa sa dahilan kung bakit sasali sa marathon si Pia ay dahil hindi gusto niyang palakasin ang katawan niya, lalo na raw noong magkaroon siya ng sakit na COVID.
“I’m tired of being sick and tired. I felt like, ‘Okay Pia if you don’t do it now, you’ll never do it. So I took the chance to join the NYC marathon and joined the registration (not under a brand or org this time), made a donation and waited. It didn’t take me three tries this time,” pag-refer ni Pia sa tatlong beses na pagsali niya sa Bb. Pilipinas bago siya manalo sa Miss Universe noong 2015.
Natuwa si Pia nang makuha na niya ang ticket niya para sa NYC Marathon: “Yay! My ticket to my first ever marathon. ‘Pia Alonzo Wurtzbach, Athlete from the Philippines!’ na ba to?! Chos lang. It feels so good to actually feel and see progress.
“Today, my weekend runs go for 18 [kilometers]++ when a few months ago I could not even finish 3 kilometers without hating everything. What I’m trying to say is – it’s all possible. But LABAN! I’ll be sharing more about my running journey as race day gets closer. Wish me luck.”
***
NAG-CELEBRATE ng kanilang anniversary sa Bali, Indonesia ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Sa latest vlog ni Andi, kasama ang kanyang buong pamilya sa kanilang Bali vacation.
“We celebrated our anniversary in Bali by doing what we love–bonding with the fam over healthy meals and a good work-out too! And of course we went out to see sights, and some gelato too,” caption niya sa Instagram post.
Mapapanood sa Happy Islander vlog ni Andi, enjoy ang kanilang mga anak sa iba’t ibang activities sa Bali. Panay din naman ang workout ni Andi kasama si Philmar. Healthy food naman daw ang kinakain nila sa kanilang bakasyon.
Sey ni Andi: “A simple day out for extra bonding time with the entire family. New VLOG is up tonight at 7PM! Stay tuned, this is only the end of the first half of our Bali adventure. We go from Uluwatu to Canggu in the coming weeks!
“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family. We were finally able to do it.”
***
PUMANAW na sa edad na 83 ang American actor na si Paul Sorvino sa Jackson, Florida. Siya ang ama ng Oscar-winning actress na si Mira Sorvino.
Nakilala si Sorvino sa paglabas nito sa gangster classic na Goodfellas at sa pagganap nito bilang si Henry Kissinger sa pelikulang Nixon.
“I am completely devastated. The love of my life & the most wonderful man who has ever lived is gone. I am heartbroken,” post ng misis ni Paul na si Dee Dee Sorvino on Facebook.
Tweet naman ni Mira: “My father the great Paul Sorvino has passed. My heart is rent asunder — a life of love and joy and wisdom with him is over.”
Born in April 1939 in New York, multi-talented artist si Paul na hindi lang pag-arte ang alam kundi may appreciation ito sa arts. Isa rin siyag painter, sculptor, poet, author at opera singer.
Ilang pang pelikulang nilabasan ni Paul ay A Touch of Class, Reds, The Rocketeer, The Cooler, Romeo + Juliet, The Firm, Turk 182, Rules Don’t Apply, Careful What You Wish For at Birthday Cake. Sa TV ay napanood siya sa Law and Order, That’s Life, Bad Blood, The Oldest Rookie, Grandfathered, The Goldbergs, at Godfather of Harlem.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ticket ng huling laro ni Bryant nabili ng $40-K
Naibenta sa halagang $40,000 sa isang auction ang pirmadong tickets ng huling laro ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant. Sa nasabing laro noong Abril 13, 2016 nakapagtala ng 60 points ang tinaguriang Black Mamba. Dahil dito ay tinalo ng Lakers ang Utah Jazz . Ayon sa Goldin auctions […]
-
‘I am excited about the first day’ – Durant
‘Excited’ na raw na muling makabalik sa game ang NBA superstar na si Kevin Durant sa ilalim ng bagong team na Brooklyn Nets. Ayon sa two-time NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, sabik na siyang muling tumuntong sa court at sa maisuot ang kanyang jersey. Kung maalala 2019 nang dumanas […]
-
Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang
NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna. “Ang detalye […]