• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ivermectin, hindi napatunayang may naibibigay na benepisyo para makagamot ng COVID-19

INIHINTO na ang pag- aaral tungkol sa Ivermectin na una ng sinabing nagsisilbing gamot sa COVID-19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force against COVID 19 Medical Adviser Dr Ted Herbosa na napatunayan na kasi sa mga pag- aaral na walang epekto ang naturang gamot sa COVID 19.

 

 

Sinabi ni Herbosa na wala aniyang ebidensiya na nakita ang mga eksperto patungkol sa una ng claim na nakakatulong ang Ivermectin para mapigilan o magpagaling sa isang indibidwal na tinamaan ng virus.

 

 

Kaya ang resulta, tigil na ang pag-aaral kasunod ng pruweba na walang pinagka-iba sa sinumang COVID patient na uminom nito kumpara sa hindi umiinom nito.

 

 

Ang Ivermectin ay ginagamit bilang gamot na pamurga at ginamit sa mga hayop. (Daris Jose)

Other News
  • Krudo papalo na sa P100 kada litro

    PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa.     Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022.   […]

  • QC gov’t, naghigpit lalo sa pagpapatupad health protocols

    Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).   Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000.   Sa […]

  • SARAH, mukhang nakipagbati na kay MOMMY DIVINE; MATTEO, pinayuhan ng netizens na magpa-good shot

    MUKHANG nagkabati na sina Sarah Geronimo at Mommy Divine.     Nag-react nga ang netizens at Popsters sa latest post ni Sarah sa kanyang Instagram Stories na kung saan ipino-promote ng singer-actress ang mga organic products na nagmula sa farm ni Mommy Divine sa Tanay, Rizal.     Sa mga litrato ng fruits and vegetables […]