• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JANE, matutuloy pa ring lumipad bilang ‘Darna’ kahit ano pang pagni-nega; DIREK JERROLD, ‘di na involved sa TV series

NATANONG si Direk Jerrold Tarog sa kanyang twitter account ng, “Are you still attache to the Darna series? Since we didn’t got any information if the same creative team is still attached.”

 

Na nireplayan naman ni Direk Jerrold ng, “Unfortunately, I’m not going to be involved in the TV series due to scheduling conflicts.  But some doors remain open regarding my future involvement in the Ravelo universe.  We will see.

 

“For now, I wish ABS-CBN & @Imjanedeleon all the best.  Let’s continue to support them.”

 

Sa tanong kung magkakaroon pa ito ng movie version bukod sa series.  Hoping pa rin ang director at nasa Star Cinema naman ‘yun kung itutuloy pa rin.

 

Samantala, super react naman ang netizens at marami ang nagsasabing ‘jinx’ na ang project kaya hindi na dapat ituloy.

 

“The entire project is JINXED.”

“Ano ba…jinx talaga siguro yan..wag niyo ng ipush kasi.”

“Nakikita na ni direk na malaking flop ang mangyayari kaya distansiya na siya.”

“Binawasan talent fee…..goodbye.

“Itigil na kasi yang darna. Ilang beses na nahinto. D pa ba gets na ngka jinx na yan?”

“Tama! Wag na ipilit yung Darna project na yan nawala na interes ng tao dahil sa sobrang tagal na hype tapos walang dating pa si Jane with no solid fan base magsasayang lang pera yung production.”

“Just drop this project all together and move on. We don’t need another Darna for the next 10 years.”

“shelve nalang kasi andamin ng umatras sa project na to.”

“Nakakaloka since 2012 pa ata to Darna, 2021 na. Ano ba meron at laging nauudlot.”

“Darna is not for abs cbn.”

“It’s not like we can do a movie like Wonder Woman. Drop na lang yan.”

“hindi naman nauudlot this time. Eh hindi naman pang tv yang director na yan…malamang di rin sya talaga ang planong gawing director ng abs sa tv series.”

 

Pero kahit na anong sabihin ng netizens, mukhang tuloy na tuloy na ang paglipat ni Jane de Leon bilang ‘Darna’ kahit na puro negative at panglalait ang natanggap niya. Dahil kasama ito plug ng 2021 upcoming tv shows ng Kapamilya network.

 

Hindi naman siguro basta-basta babawiin ng ABS-CBN ang naipangako nila sa young actress na malaki na rin ang hirap sa pagti-training.

 

Dapat naman sigurong bigyan ng pagkakataon si Jane na maipakita na kaya niyang dalhin ang serye, na for sure, inaabangan din kung sinu-sino ang mga bigating cast at magiging guest stars na susuporta sa kanya.

 

Kaya abang-abang na lang tayo sa nalalapit na pagsigaw at paglipad ni Darna!

 

***

 

HATID din ng GMA Network ngayong 2021 para sa loyal Kapuso viewers ang exciting line-up ng well-loved Asian dramas tuald ng heart-stirring Koreanovela Fates and Furies, The Romantic Doctor 2,  Backstreet Rookie, Doctor John, Penthouse, Bad Genius The Series, The Gifted, The Sand Princess, at My Husband in Law.

 

Mapapanood din ang critically acclaimed local films na Family History, Jowable, Hindi Tayo Pwede, On Vodka, Beers and Regrets, Mindanao, Da Ninang, Huling Ulan sa Tag-Araw, The Missing, Coming Home, at Isa Pang Bahaghari; pati ang mga blockbuster international films na A Star is Born, Crazy Rich Asians, Bumblebee, The Nun, Ocean’s 8, Mission Impossible – Fallout, Rampage, Men in Black 4, Charlie’s Angels (2019), Jumanji: The Next Level, Angry Birds Movie 2, at The Meg. (ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Mark Caguioa hindi makakasama ng Ginebra sa PBA Philippine Cup

    HINDI makakasama ng Barangay Ginebra sa 2022 Philippine Cup ng PBA si Mark Caguiao.     Kinumpirma ito ng koponan na hindi makakasama ang dating PBA Most Valuable Player sa pagsisimula ng bagong conference sa Hunyo 5.     Sinabi ni Ginebra team governor Alfrancis Chua na may mga aayusin lamang ito subalit hindi na […]

  • 3 sa 4 na sundalong nasawi sa Sulu shootout, binigyan ng military honors

    Binigyan ng military arrival honors ang tatlo sa apat na sundalo na nasawi sa shootout sa Sulu sa pagdating ng kanilang mga labi sa Villamor Air Base kahapon.   Mismong si Philippine Army Chief, Lt.Gen. Gilbert Gapay ang sumalubong sa mga labi nina Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, at Sgt. Jaime Velasco.   Habang […]

  • Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

    SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.     Sa ulat nina PSSg […]