JANE, pinangarap talaga na makapasok sa teleserye ni COCO kaya okay lang kahit maging kontrabida
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
KALABAN ba o kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang karakter na ginagampanan ni Jane de Leon?
Dream come true para kay Jane na makabilang sa long-running series na FPJ’s Ang Probinsiyano at napapanood sa Kapamilya Network. She is playing the role of Captain Lia Mante, na isang sniper sa serye.
Pangarap daw niya talaga na makapasok sa teleserye ni Coco. Noong magsimula siya sa showbiz ay ini-imagine na niya na what if alukin siya ng role sa Ang Probinsyano? Anong role kaya ibibigay sa kanya.
Jane was only 15 nang magsimula sa ere ang serye ni Coco. Kaya naman laking tuwa niya upon learning na she will be part of the series at maganda ang role na ibinigay sa kanya. May pagka-astig ang role niya bilang Lia Mante.
Unang nabigyan ng break si Jane sa Halik bago siya napili gumanap bilang Darna. Siya ang gumanap na kapatid ni Jericho Rosales. That was her first ever teleserye. Sa ngayon ay pinag-aaralan niyang mabuti ang role nia bilang Lia Mante.
Okay lang naman kay Jane na gumanap bilang kontrabida, maging bahagi lang ng isang sikat na programa tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Ayon pa kay Jane, malaking tulong ang Ang Probinsyano para manatili siyang physically fit na kailangan naman niya sa Darna series.
“Unang una yung endurance ko, kasi matagal ako nag-stay sa bahay, eh. Bawal lumabas so kailangan kong tumakbo ulit, mag-exercise, hindi lang sa pagbubuhat. “And siyempre yung pag-aarte ulit, yung kailangan ko mag-explore inside Ang Probinsyano, kung ano yung nabibigay nila sa aking aral na kailangan kong i-develop and puwede kong ibigay sa character.
“Marami akong natutunan sa buhay pa lang ni CM (Coco Martin), dun pa lang sa loob ng set, marami po,” wika pa ni Jane.
***
KAHIT na pandemic, in demand si Direk Joel Lamangan.
Katatapos lang niya i-shoot ang Silab for 3:16 Productions. Ito ang launching film ni Cloe Barreto, na tinatampukan din nina Jason Abalos at ipinakikilala si Marco Gomez.
Recently shown ay ang Anak ng Macho Dancer for Godfather Productions ni Joed Serrano. Pinag-usapan ang pelikula dahil sa mga maiinit na eksena ng mga bida, led by Sean De Guzman.
Any time soon ay sisimulan din ni Direk Joel ang isa pang movie titled Ang Huling Birheng Beki sa Balat ng Lupa under Heaven’s Best Entertainment Productions.
Si Christian Bables ang bida ng obrang ito ni Direk Joel. Baka raw makasama rin sa cast si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Sabi ni direk Joel na kailangan din naman niyang kumita ng pera, lalo na ngayong panahon ng pandemia. (RICKY CALDERON)
-
‘Build, Build, Build’, matagumpay ba? Ni-rate ng mga Presidential bets
MAAARING magpatuloy ang sinasabing legacy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘Build, build, build” subalit kailangan ng malawakang improvement nito. Ito ang inihayag ng karamihan sa presidential hopefuls sa presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), araw ng Sabado. At nang hilingin sa mga presidential hopefuls na i-rate ang […]
-
Jennifer Lopez, Shares Her Superstar Character and Her First OST Album
MARRY Me is your Pre-Valentine cinematic eye & ear-candy that pop in Philippines cinemas, now showing from Universal Pictures International. Two total and completely opposite strangers agree to marry and get to know each other in Marry Me, starring Jennifer Lopez and Owen Wilson. But as forces conspire to separate them, the […]
-
Romualdez, pormal nang hinirang bilang Speaker ng House of Representatives
PORMAL nang hinirang bilang Speaker of the House of Representatives (HOR) si Leyte Representative Martin Romualdez ngayon sa unang araw ng 19th Congress. Ito ay matapos siyang i-nominate ng kanyang pamangkin at presidential son na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos kasabay ng pagsambit nito sa mga kwalipikasyon ni Romualdez bilang […]