• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JANE, pinangarap talaga na makapasok sa teleserye ni COCO kaya okay lang kahit maging kontrabida

KALABAN ba o kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang karakter na ginagampanan ni Jane de Leon?

 

 

Dream come true para kay Jane na makabilang sa long-running series na FPJ’s Ang Probinsiyano at napapanood sa Kapamilya Network. She is playing the role of Captain Lia Mante, na isang sniper sa serye.

 

 

Pangarap daw niya talaga na makapasok sa teleserye ni Coco. Noong magsimula siya sa showbiz ay ini-imagine na niya na what if alukin siya ng role sa Ang Probinsyano? Anong role kaya ibibigay sa kanya.

 

 

Jane was only 15 nang magsimula sa ere ang serye ni Coco. Kaya naman laking tuwa niya upon learning na she will be part of the series at maganda ang role na ibinigay sa kanya. May pagka-astig ang role niya bilang Lia Mante.

 

 

Unang nabigyan ng break si Jane sa Halik bago siya napili gumanap bilang Darna. Siya ang gumanap na kapatid ni Jericho Rosales. That was her first ever teleserye. Sa ngayon ay pinag-aaralan niyang mabuti ang role nia bilang Lia Mante.

 

 

Okay lang naman kay Jane na gumanap bilang kontrabida, maging bahagi lang ng isang sikat na programa tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Ayon pa kay Jane, malaking tulong ang Ang Probinsyano para manatili siyang physically fit na kailangan naman niya sa Darna series.

 

 

“Unang una yung endurance ko, kasi matagal ako nag-stay sa bahay, eh. Bawal lumabas so kailangan kong tumakbo ulit, mag-exercise, hindi lang sa pagbubuhat. And siyempre yung pag-aarte ulit, yung kailangan ko mag-explore inside Ang Probinsyano, kung ano yung nabibigay nila sa aking aral na kailangan kong i-develop and puwede kong ibigay sa character.       

 

“Marami akong natutunan sa buhay pa lang ni CM (Coco Martin), dun pa lang sa loob ng set, marami po,” wika pa ni Jane.

 

 

***

 

 

KAHIT na pandemic, in demand si Direk Joel Lamangan.

 

 

Katatapos lang niya i-shoot ang Silab for 3:16 Productions. Ito ang launching film ni Cloe Barreto, na tinatampukan din nina Jason Abalos at ipinakikilala si Marco Gomez.

 

 

Recently shown ay ang Anak ng Macho Dancer for Godfather Productions ni Joed Serrano. Pinag-usapan ang pelikula dahil sa mga maiinit na eksena ng mga bida, led by Sean De Guzman.      

 

Any time soon ay sisimulan din ni Direk Joel ang isa pang movie titled Ang Huling Birheng Beki sa Balat ng Lupa under Heaven’s Best Entertainment Productions.

 

Si Christian Bables ang bida ng obrang ito ni Direk Joel. Baka raw makasama rin sa cast si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.                  

 

Sabi ni direk Joel na kailangan din naman niyang kumita ng pera, lalo na ngayong panahon ng pandemia. (RICKY CALDERON)

Other News
  • New Posters Unveiled: ‘Fly Me to the Moon’ Set to Illuminate Cinemas in July 2024

    “Fly Me to the Moon,” featuring the dynamic duo Scarlett Johansson and Channing Tatum, is slated for a grand cinematic release in July 2024. This comedy-drama, directed by the acclaimed Greg Berlanti, combines wit, style, and high stakes in an unforgettable journey alongside NASA’s historic Apollo 11 moon mission.         Johansson stars […]

  • Kaso ng COVID-19 sa Bulacan, bumaba ng 43%

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga health worker at frontliner ng lalawigan sa kanilang walang kapagurang paglilingkod sa mga Bulakenyo kasabay ng lalo pang pagbaba ng kaso ng 43% mula Mobility Week 19 hanggang 20 mula Mayo 8 hanggang 22, hanggang Mobility Week 21 hanggang 22 mula Mayo 23 hanggang Hunyo 5.     […]

  • AARON TAYLOR-JOHNSON, BRIAN TYREE HENRY ARE THE TWIN ASSASSINS IN “BULLET TRAIN”

    AARON Taylor-Johnson (Avengers: Age of Ultron, upcoming Kraven The Hunter) and Brian Tyree Henry (Marvel’s The Eternals) star as lethal assassins called The Twins in Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, in Philippine cinemas August 3.       [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/Eku2gerbnMc]       Bullet Train brings together seven characters, […]