• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Janella, nananahimik pa rin sa isyung buntis at sa UK manganganak

HINDI pa rin tahasang umaamin at hindi rin naman nagde-deny sa kabila ng maingay naman na ang isyung buntis nga si Janella Salvador at ang ama ay ang boyfriend na si Markus Patterson.

 

Nasa U.K. ang mga ito ngayon na kung totoo naman talagang buntis, walang duda na doon na manganganak. At sa Instagram post ng ina ni Janella na si Janine Desiderio, mukhang masaya naman ito ngayon sa kung ano man ang situwasyon ng anak. Mukha rin na very supportive.

 

Halatang proud din na nang mag-birthday siya sa U.K. at nag-share ng pictures, ang anak at si Markus ang punong- abala sa preparasyon. Kasama rin ang ama ni Markus.

 

Sey ni Janine, “Thank you very much for all the greetings & wishes! It truly was a memorable quarantine birthday for me here in the UK! Special thanks to @superjanella & @markus for the cake & for cooking this special surprise dinner for me of lobsters, fusilli in fresh mushroom sauce & chilli prawn tomato spaghetti! Done with the help of their look-out, Russel = And to Mr. P, for his special homemade Cherry Gin. My heart is full d’ God is good all the time.”

 

Natutuwa naman ang mga netizen na makitang okay kay Janine si Markus at okay na rin ang relasyon ng mag-ina ngayon.

 

*****

 

MATAPOS ang ilang buwang pagte-tape ng All-Out Sundays: The Stay Home Party sa kani-kanilang bahay, ngayong Linggo ay live na mapapanood ang mga regular hosts ng show.

 

Noong Linggo ay masayang inanunsiyo ng cast members ang kanilang pagbabalik sa studio. At siyempre, marami sa mga netizens ang na-excite na makita at mapanood muling mag-perform on stage ang AyOS Barkada.

 

Sinigurado naman ng cast members na magbabalik-studio at lahat ng bumubuo ng programa ang maingat na pagsunod nila sa safety protocols at guidelines habang nasa set.

 

Bukod sa mga pasabog na performances, may bagong guests din na hindi dapat palampasin. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Magsalamin sa mata, magbitbit ng tubig

    BATAY po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa labas ng ating tahanan.   Dapat ding magbaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water.   Iyan […]

  • Pagbabakuna, hindi magagamit sa pulitika lalo’t sa sandaling magsimula na ang pangangampanya-Dizon

    HINDI masasamantala ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ang vaccination drive ng pamahalaan.   Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi sila papayag na mapasukan ng pamumulitika ng sinumang kumakandidato ang vaccination efforts ng pamahalaan.   Neutral ang gobyerno at diretso sa taumbayan ang pakinabang ng pagbabakuna at hindi sa […]

  • FIFA ikinalungkot ang nangyaring riot sa football match sa Indonesia

    ITINUTURING  ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao.     Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay […]