• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Janine, ka-level na ni Nora sa pagiging best actress sa Gawad Urian

GABI ng mga baguhan ang 43rd Gawad Urian na ginanap noong Tuesday night.

 

First time winners sina Janine Gutierrez, nahirang na Best Actress para sa Babae at Baril which took the lion’s share of the awards, at si Elijah Canlas who was named Best Actor for Kalel, 15.

 

Unang nominasyon nina Janine at Elijah sa Urian kaya nakatutuwa ang kanilang panalo. Ka-level na ni Janine ang kanyang grandma na si Nora Aunor na unang best actress awardee ng Gawad Urian noong 1976.

 

Elijah joins the rank of Urian winners na agad nagwagi sa unang nominasyon nila tulad nina Daniel Fernando (best actor winner for Macho Dancer) at Nadine Lustre who was the Urian winner last year.

 

Tiyak na mas lalong magiging inspirado sa kanilang respective careers sina Janine at Elijah dahil sa kanilang panalo.

 

Congratulations!!!

 

*****

 

UNANG pagkakataon na magdidirek ng teleserye ng award-winning director na si Eduardo Roy, Jr., the filmmaker known for his movies like Pamilya Ordinaryo, Fuccbois at Lola Igna na umani ng mga nominasyon sa katatapos lang na Gawad Urian.

 

Nakausap naming si Direk Edong sa media launch ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw, ang drama series na prinodyus ng Net 25, featuring Ynna Asistio at Geoff Eigenmann.

 

Kumusta ang paggawa ng teleserye?

 

“Iba ‘yung genre kasi ang first requirement ay pakiligin ang tao,” unang pahayag ni Direk Edong. “Siyempre mayroong soap element. Malinaw ang kontrabida. Malinaw ang bida.”

 

Inamin niya noong una ay parang di niya na-imagine na he will direct a drama series. Patayan kasi ang trabaho sa paggawa ng teleserye. Normally, inuumaga ang taping dhil maraming sequences na kailangang tapusin. Parang di raw niya kakayanin ang taping every other day tapos may pre- production pa in between.

 

“Pero noong pandemic, every day ang taping. Kaya naman pala. Pero siyempre dahil sa protocol, hindi pwede na hanggang madaling araw ang taping. Usually, 10 pm packed- up na kami. Ang saya rin ng pakiramdam kasi nga nakagawa kami ng drama series during the pandemic. Of course, malaki ang pasasalamat ko sa Net 25 sa tiwala nila.”

 

When you first read the script, what made you say na gusto mo ito idirek?

 

“‘Yung idea na na-lockdown sila sa isang lugar, tapos sa La Casas (one month ako roon) so parang bakasyon na rin. Tapos the story, na parang dahil na- lockdown sila, yung dalawang bida na hindi nagkakaunawaan, they need to resolve their past and ‘yun ang pinakamagandang kwento at yun ang nagpa-hook sa akin kung bakit ako napapayag din na idirek ito.”

 

Napili na ba ang dalawang bida na sila ang gaganap or may say ka why they were cast?

 

‘“Yung kay Geoff, nandoon na siya noong dumating ako. Parang naghahanap na lang ng babaeng bida. Noong sinabi nga ni Anjo (Yllana), ni-recommend ni Anjo si Ynna Asistio, noong nandoon ako sa meeting and her name was brought out, okey naman siya bilang nakatrabaho ko naman siya sa ‘Ipaglaban Mo.’ Usually naman pag network, given na ang artista. Minsan nahuhuli na lang kung sino ang magdidirek.”

 

Dati ang shooting mo ay sa kalye o kaya sa gubat or bukid. How you feel you have the whole of Las Cazas at your disposal?

 

“Sobrang ganda ng lugar. Parang times ten ng ganda ng Vigan and then dahil sa protocol na kailangan i-cordon ang buong paligid,” kwento ni Direk Edong.

 

“Ang idea ng Las Cazas, every Friday, Saturday and Sunday lang may mga tao. Week days okupado namin ang lugar. Nakapagdirek na rin ako sa INC ng short films. Yun ang madalas na location. So when this project was presented to me, sabi ko magandang idea kung sa Las Cazas ito gawin kasi kung sa ibang place let’s say Antipolo, baka mahirapan kami sa crowd control. So mas maganda na atin na atin lang ang location.”

 

Ayon pa kay Direk Edong, natapos na nila ang buong 13 episodes pero hindi pa niya napapanood except for the pilot episode. Happy naman siya sa kinalabasan ng kanilang trabaho sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Duterte infomercial: ‘Bakuna lang ang panlaban sa COVID-19 pandemic, kaya magpabakuna na tayong lahat’

    Patuloy na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taongbayan na magpabakuna na.     Sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” campaign ng Department of Health (DOH), binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ang bakuna lamang ang tanging paraan para malabanan ang COVID-19 pandemic.   Iginiit ni Pangulong Duterte sa nasabing infomercial na dapat tandaan na ang bakuna […]

  • Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko na agad na tutukuyin bilang terorista

    WALANG dapat na ipangamba ang publiko matapos tukuyin ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Communist Party of the Philippines (CPP), founder si Jose Maria ‘Joma’ Sison at  18 na iba pa na mga terorista ng bansa.   Sa inilabas na ATC Resolution No. 16 at 17 na pirmado at inaaprubahan ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes […]

  • NBI hahagilapin 2 nawawalang close contacts ng Pinoy na may ‘new COVID variant’

    Kukunin na ng Department of Health (DOH) ang tulong ng Department of Justice (DOH) sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang mga nalalabing nakasalamuha ng unang nahawaan ng United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19).     “We have coordinated with the [DOJ] and we will be providing these two names to […]