JANINE, winelcome at feel na feel talaga na maging isang Kapamilya; RAYVER, suportado ang naging desisyon
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAGANDA ang naging pag-welcome kay Janine Gutierrez ng ABS-CBN and for some reason, tila feel na feel talaga siya na maging isang Kapamilya.
Simula mag-join ng showbiz si Janine ay isa siyang Kapuso. Ngayon lang siya lumabas sa nakagisnang bakuran. At siguro naman nga, may malaking plano ang ABS-CBN kay Janine kaya dito siya pumirma sa kabila ng kawalan pa nito ng prangkisa sa ngayon.
Ang dami rin nag-congratulate kay Janine. Ilan sa mga celebrities pa nga na nabasa namin na nag-post ng congratulatory message rito ay mga Kapuso stars.
Maging ang boyfriend na si Rayver Cruz, kahit na sabihin na iniwan na ito ni Janine sa GMA-7 at mas malabo na magkasama pa sila sa isang serye o proyekto, suportado nito ang naging desisyon ng girlfriend.
Aniya sa tweet, “Soar high my love, will always be your number one fan.”
Tinutukso tuloy si Rayver kahit ng mga kapatid ni Janine. Mukhang kalilipat pa lang ay namimiss na agad ni Rayver.
Sa sumunod niyang tweet, “We’re soariiinnn flyin’ There’s not a star in heaven That we can’t reach If we’re tryin’ So we’re breaking free bwahaha! Miss u.”
***
NAPANOOD namin ang digital premiere ng digitally restored version ng hit romance drama na Radio Romance noong 1996.
Na-impress kami sa pagkaka-restored nito dahil ang ganda. Ang husay na talaga ng ABS-CBN’s Film Restoration unit at ng “Sagip Pelikula” sa pag-save ng mga old tagalog movies sa pangunguna ng head nito na si Leo Katigbak.
Parehong present sina Leo at Direk Joey Reyes sa digital premiere na nagbigay ng kanilang mga pahayag bago ang naging viewing. Ayon kay Direk, ang Radio Romance ang isa sa pinakapaborito niyang sinulat at dinirek na pelikula.
Personally, isa rin ito sa 90’s movie na paborito namin. Gustong-gusto namin ang pagkakatahi-tahi ng kuwento ng bawat character sa movie at gayundin ang editing.
In for a “throwback” talaga ang manonood nito at makakabili ng ticket sa KTX.ph. Kung hindi kami nagkakamali, first and last movie yata ito ni Paolo Abreira na lead kunsaan, si Gelli de Belen ang kapareha niya.
Bff sina Claudine Barretto at Jolina Magdangal sa kuwento with the late Rico Yan na introducing pa lang sa Radio Romance. Ang babagets pa rin nina Sharmaine Arnaiz at John Estrada.
Para sa mga dati nang nagustuhan ang movie at sa millennials, hayan at available na ang digitally restored version nito. (ROSE GARCIA)
-
PBBM, ipinag-utos na pag-aralang mabuti ang pagsama ng TVET sa SHS curriculum
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang integrasyon o pagsama ng technical and vocational education and training (TVET) sa curriculum ng senior high school (SHS). Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, layon na matiyak na ang mga SHS graduates ay “ready and employable for the […]
-
Wallet na may laman shabu, napulot ng sekyu ng mall, may-ari timbog
BINITBIT sa kulungan ang isang binata matapos balikan ang kanyang wallet na may lamang shabu nang mapulot ng security guard ng mall sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Mahaharap ang naarestong suspek na si alyas Dale, 19, ng Brgy. Longos sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Sa […]
-
Party-list group Gabriela, nilabag ang Saligang Batas-Esperon
SINABI ni National Security Adviser (NSA), Secretary Hermogenes Esperon, Jr., na malinaw na nilabag ng party-list group Gabriela ang Saligang Batas dahil sa di umano’y pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources. Bahagi ito ng naging testimonya ni Esperon sa video teleconferencing sa idinaos na 2nd Division of the Commission on […]