Janssen Pharmaceuticals naghain ng EUA application sa Pilipinas – FDA
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
Naghain na rin ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang kompanyang Janssen Pharmaceuticals, na nasa ilaliim ng Johnson & Johnson.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo, noong Miyerkules nang magpasa ng EUA application ang kompanya para sa kanilang single-dose na bakuna.
“They submitted the application last Wednesday. Evaluation now ongoing,” ani Domingo sa isang text message sa Bombo Radyo.
Kinumpirma rin ng Department of Health ang paghahain ng aplikasyon ng Janssen.
Sinabi ni Domingo na aabutin lang ng 21 araw ang proseso ng evaluation ng ahensya sa aplikasyon ng kompanya.
Batay sa datos ng US Centers for Disease Control and Prevention, gawa sa viral vector ang single dose na bakuna ng Belgium-based firm.
Ayon naman sa World Health Organization, mayroong 85.4% efficacy rate ang bakuna laban sa paglala ng COVID-19 infection at hospitalization.
“A dose of Janssen Ad26.COV2.S was found in clinical trials to have an efficacy of 66.9% against symptomatic moderate and severe SARS-CoV-2 infection.”
Mayroon nang emergency use authorization mula sa European Medicines Agency at US FDA ang naturang bakuna.
Sinabi ng US CDC na kabilang sa mga adverse reaction o side effect na naitala sa paggamit ng Janssen vaccine ay ang karaniwang pananakit at pamamaga sa injection site, pagkapagod, pananakit ng ulo, sipon, lagnat, at pagsusuka.
“These side effects usually start within a day or two of getting the vaccine. Side effects might affect your ability to do daily activities, but they should go away in a few days,” ayon sa US CDC.
“In clinical trials, side effects were common within 7 days of getting vaccinated but were mostly mild to moderate.”
Nakasaad sa datos ng US CDC na 3.5% mula sa mga sumailalim sa clinical trial ng Janssen vaccine ang may lahing Asian. Habang 0.3% ang mga Pacific Islander, na parehong kinabibilangan ng lahing Pilipino.
-
MRT, LRT balik sa buong kapasidad ngayon Alert Level 1
Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na balik na sa buong kapasidad ang dalawang nasabing rail lines ngayon nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila. “Trains of the MRT 3 can carry a total of 1,182 passengers per set, consisting […]
-
Mga sasakyan, inararo ng SUV sa Maynila
INARARO ng isang SUV ang ilang mga sasakyan sa United Nations Avenue sa Maynila , Lunes ng umaga. Sa imbestigasyon, isang tricycle driver at ilang motor rider ang nadamay sa insidente na kapwa isinailalim sa paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat. Sa impormasyon, naunang tumama ang puting SUV […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 7) Story by Geraldine Monzon
NAGSIMULANG mangamba si Angela nang makitang tumataas ang tubig sa labas. Silang dalawa lang ni Bela sa bahay dahil nakauwi na sa sarili niyang bahay si Lola Corazon hatid ni Mang Delfin. Tinawagan niya si Bernard. “Hello, sweetheart, mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na lang bago pa lumaki ang baha.” “Baha? […]