• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JAPAN PM KISHIDA, nakatakdang dumating bukas sa Pinas-DFA

NAKATAKDANG pag-usapan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3 nina Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio  ang usapin ukol sa  West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan. 
Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado,  Nobyembre  4, 2023.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyang-diin sa pagbisita ni Prime Minister Kishida sa bansa ang kanyang  bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.
“Both leaders are expected to discuss the two countries’ multifaceted and dynamic cooperation on political and security cooperation and economic and people-to-people relations,” ayon sa departamento.
“Among the specific issues to be discussed are the West Philippine Sea, trade and investment, and Japan’s Official Development Assistance (ODA). They will also exchange views on major regional, international, and United Nations issues affecting the region and the world,” dagdag na wika nito.
Opisyal namang tatanggapin ni Pangulong Marcos si  Prime Minister Kishida sa isasagawang welcome ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, bukas.
Samantala, bago ang pagbisita ni Prime Minister Kishida sa Pilipinas, nagsagawa na si Pangulong Marcos ng kanyang opisyal na pagbisita sa Japan noong Pebrero ng taong kasalukuyan kung saan sinelyuhan ang $13 bilyong halaga ng kasunduan na magreresulta ng libo-libong hanapbuhay para sa mga Filipino. (Daris Jose)
Other News
  • Ads July 16, 2020

  • Tuloy lang sa ensayo Pacquiao dedma sa demanda!

    Ipinagkibit-balikat lang ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang demanda ng Paradigm Sports dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa pukpukang ensayo para sa kanyang August fight.     Tuloy lang sa training camp si Pacquiao kung saan nagpost pa ito sa kanyang social media accounts ng ginagawa nitong workout kasama si trainer Buboy Fernandez.   […]

  • UAAP, NCAA salpukan sa Marso 26

    MAGBABANGGAAN ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Marso 26 sa magkahiwalay na venue.     Kumpirmado na ang pagbubukas ng NCAA Season 97 sa naturang petsa habang nauna nang nagpahayag ang UAAP  na sisimulan ang Season 84 ng liga sa parehong petsa. […]