• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japanese boxer Naoya Inoue pinabagsak si Butler

Pinatumba ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue si Paul Butler sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan.

 

 

Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Inoue ang mga suntok ang kalaban nito.

 

 

Tumuloy ang pagpapakawala ng Japanese boxing star ng body shots at top punches laban sa English boxer hanggang pagdating ng round 11 ng ipahinto na ng referee ang laban.

 

 

Dahil sa panalo ay naging unang undisputed bantamweight champion si Inoue.

 

 

Mayroon na siyang WBC, WBA, WBO at IBF bantamweight world champions si Inoue na siyang unang Japanese boxer sa kasaysayan na magkaroon ng apat na titulo mula sa major sanctioning body.

 

 

Mayroong record na ito na 24 panalo at walang talo na mayroong 21 knockouts habang si Butler ay bumagsak ang record sa 34 panalo, tatlong talo na may 15 knockouts. (CARD)

Other News
  • Ads January 29, 2021

  • Pagtakbo bilang VP, oportunidad na palawakin ang naaabot ng serbisyo- Mayor Sara

    SA kabila ng mahirap na desisyon ay pinakinggan at pinili pa rin ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na magsilbi sa bansa.   Matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para reelection noong Oktubre 2, patuloy pa rin ang panawagan ng kanyang supporters na tumakbo sa mas mataas […]

  • Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa.   Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry […]