• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon

SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.

 

Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.

 

Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng Japanese Olympic swim team matapos aminin ang pakikiapid.

 

Paglilinaw ng Japan Swimming Federation na maaari pa rin itong makasali sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

 

Nagwagi si Seto ng 400m individual medley bronze sa Rio Olympics noong 2016. Siya ang kasalukuyang 200m at 400m individual medley world champion.

Other News
  • Duterte bakuna ng China ang ipapaturok

    Dahil mauunang duma­ting sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa China, ito ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Sinabi ni Roque na ang bakuna mula sa Russia at sa China ang pinagpipilian ng Pangulo.   “Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at […]

  • Bise-Alkalde ng Maynila at 21 Konsehal, sinampahan ng kaso sa RTC hinggil sa “secret session”

    NAHAHARAP sa kaso sa Regional Trial Court (RTC) ang nasa labimpitong konsehal na miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila laban sa kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer John Marvin “Yul” Servo-Nieto kasama ang nagsisilbing Majority at Minority floor leader gayundin ang iba pang mga kasapi nilang konsehal tungkol sa naganap na […]

  • 2 drug suspects kulong sa P70K tobats sa Navotas

    SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jomboy”, 31, ng […]