• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jarencio positibo sa pilay na Batang Pier

WALANG sablay ang NorthPort sa playoffs sa nakalipas na taon, pinakamataas na placing ang No. 2 sa midseason Commissioner’s Cup pero dalawang beses nilango ng San Miguel Beer sa quarterfinals.

 

Pinakamataas na tinapos ng Batang Pier ang semifinals sa season-ending Governors Cup pero milasing din ng Barangay Ginebra San Miguel sa best-of-five. Sa pagpalaot sa unang final four, tinunaw ng No. 8 NP ang twice-to-beat ng No. 1 North Luzon Expressway o NLEX – sa classic game na inabot may tatlong overtime.

 

Malaking tulong ang pagdating ni Christian Standhardinger sa BP mula SMB sa kalagitnaan ng season-ending conference kaya nakapapaglayag ang team ni coach Alfredo ‘Pido’ Jarencio sa second round ng playoffs.

 

Pero sa unang laro ni Standhardinger sa NorthPort – kontra SMB pa – ay nagka-injury si rookie Robert Bolick, ang kamador ng team. Hindi na natapos ni Bolick ang 44th o 2019-2020 season dahil sa ACL tear.

 

Kabi-kabila ang injury bug sa Batang Pier na maaaring hindi pa makalaro sa season-opening ng Philippine Cup na mabubukas 45th o 2020 season ng professional cage league sa Araneta Coliseum sa Marso 8.

 

“Matagal pa si Bolick, mga July o August pa,” komento ni Jarencio, hinirit pa ng coach na okay naman ang preparasyon nila para sa all-Pinoy, pero problema niya ang kakulangan sa tao.

 

“Gusto ko na ngang magpa-activate ulit,” ani Jarencio na noong kapanahunan ay naging tigasin ding gunner ng Gin Kings.

 

“Hindi nga kami makabuo ng team para sa full practice,” dagdag niya, nangangahulugan na walang 10 ang able bodies.
“Si Bolick wala, si (Jonathan) Grey wala. Si Bradwyn Guinto wala,” inisa-isa ni Jarencio ang kanyang injured players. “Si Christian (Standhardinger) is still hurting. Si Sean (Anthony) may calf injury.”

 

Injured pa rin si Kevin Ferrer. Baka sa kalagitnaan pa aniya ng taon o Commissioner’s Cup makabalik si Grey.

 

“Bradwyn came to practice yesterday,” balita ni Anthony sa PBA Media Day sa Okada noong Huwebes. “He’s almost there.” Hindi rin natapos ni Guinto ang nakaraang season dahil sa knee injury, pero inaasahang makakalaro na sa buwang ito.

 

Isa lang ang rookie ng Batang Pier, si Sean Manganti na 8th pick overall sa Draft noong December.

 

Sina Standhardinger at Anthony ang inaasahang makakarekober na bago ang unang komperensiya.

 

“Pero fight pa rin kami,” giit ni Jarencio, larawan pa rin ng never-say-die. Pipigain muna siya kina Nico Elorde, Jervy Cruz, LA Revilla, Garvo Lanete, Paolo Taha, at ang balik-NorthPort mula San Miguel na si bruiser Kelly Nabong.
Babasagin ng Batang Pier ang kampanya sa Marso 11 sa Big Dome laban sa Road Warriors.

Other News
  • Swiatek at Nadal hinirang bilang world champions ng ITF

    TINANGHAL bilang world champions ng International Tennis Federations (ITF) sina Rafael Nadal at iga Swiatek.     Ito ay matapos ang matagumpay nilang panalo sa iba’t-ibang torneo ngayong taon.     Nagwagi kasi si Nadal sa Australian Open at nakuha nito ang ika-14 na French Open ganun din ang pagkakuha nito ngayong taon ng kaniyang […]

  • PhilHealth, dapat bayaran ang P18B utang

    Dapat munang bayaran ng Philippine Health Insurance Corp ang P18 bilyong reimbursement claims ng mga pribadong ospital, ayon sa mambabatas.   Batay kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa datos ng Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) ay may utang ang Philhealth na P14 bilyon noong December 2018 at P4 […]

  • PATAPE: Reinventing Education for Relevance and Quality

    THE Senate Committee Chairman for Basic Education, Honorable Senator Sherwin Gatchalian was the Keynote Speaker for this year’s Philippine Academy of Teachers, Administrators and Practitioners in Education (PATAPE) event as it organizes a privileged meeting with the theme, “PATAPE: Reinventing Education for Relevance and Quality” held last Saturday, August 27, 2022 at Novotel Manila Araneta […]