• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth, dapat bayaran ang P18B utang

Dapat munang bayaran ng Philippine Health Insurance Corp ang P18 bilyong reimbursement claims ng mga pribadong ospital, ayon sa mambabatas.

 

Batay kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa datos ng Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) ay may utang ang Philhealth na P14 bilyon noong December 2018 at P4 bilyon sa katapusan ng 2019.

 

“This is very urgent specially because we are still facing this COVID-19 pandemic and we all need the full operations of our hospitals with the necessary medical personnel,” ani Rodriguez.

 

“We don’t want our hospitals to close, down scale services nor lay off medical personnel because of non payment of claims by Philheath,” saad pa nito.

 

Binubuo ang PHAP ng 733 ospital.

 

Tinatayang nasa 300 ospital na ang na-downsize ang operasyon dahil sa delay na pagbabayad ng PhilHealth at kakulangan sa tauhan. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte

    Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.     Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang […]

  • Once-a day religious gatherings pinayagan ng IATF

    PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nais na magsimba ngayong Semana Santa.   Base sa naging anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinapayagan ng IATF ang “once a day religious gatherings” mula Abril 1 hanggang 4, 2021.   Dahil dito, kinakailangan aniya na sundin ng mga religious denominations at ipatupad ang mga […]

  • PDU30 nabigyan ng maling impormasyon sa usapin ng pondo – Sotto

    Malaki ang paniniwala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nabigyan umano ng maling impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin nang pagharang daw nila sa pondo ng Office of the President na nakalaan sa proposed 2022 budget.     Sinabi ni Sotto na walang anumang motibo ang Senado sa kanilang pag-iimbita sa mga […]