• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JASMINE, damay sa kabastusan at kawalang respeto kay VP Leni

DAMAY ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith sa mga tina-tag at mine-mention ng netizens dahil boyfriend niya ang Department of Tourism-Ilocos Region na si Jeff Ortega.

 

Sa isang event ng tourism kasi kunsaan, present ang dat- ing Senator na si Bongbong Marcos, ipinakilala ito ni Jeff bilang former Senator and Vice President Bongbong Marcos. May video na ini-upload at kumakalat sa social media kaya may “resibo” ang naging action ng boyfriend ni Jasmine.

 

Negatibo ang halos karamihan ng comments sa ginawang ito ng boyfriend ng actress. Bukod sa kawalan daw ng respeto sa tunay na Vice President ng bansa na si Leni Robredo.

 

Nabastusan at kawalang respeto para sa maraming netizens ang ginawa na ito ng boyfriend ni Jasmine na may posisyon pa naman daw sa government. May nag-comment pa na bata pa lang, may ganito ng karakter na ipinapakita.

 

Walang duda na isang Marcos loyalist si Jeff at maaaring ang clan na mula sa La Union. Mukhang hindi maiiwasan na mababahiran ng negatibong impression na ang netizens sa boyfriend ni Jasmine dahil sa pangyayaring ito.

 

Pero sa personal naming palagay, wala rin masama kung maglalabas siya ng public apology lalo na kay V.P. Leni na siyang nakaupo at elected Vice President naman talaga ng bansa.

 

*****

 

BOTONG-BOTO talaga ang mga followers ni Kris Aquino sa kanilang dalawa ni Attorney Gideon Pena.

 

May ibang naniniwala na there’s something between the two, sa kabila ng paulit-ulit na sinasabi ni Kris na magkaibigan lang talaga sila.

 

At sabi ng iba, sana raw ay sila na lang talaga dahil kayang-kaya rin daw sakyan ni Attorney Gideon ang mga “kababawan” ni Kris.

 

Minsan pang sinagot ni Kris ang nag-assume na sila na nga sa kanyang Instagram nang mag-comment ito na, “Happy to see u with some- one. I’ve always admired you.”

 

Sey ni Kris, “In the sense I’m not alone (kuya josh went to visit my sister viel & bimb was still sleeping) BUT there’s really just friendship & it’s a chill type of togetherness.”

 

Halatang mas masaya at mas positive si Kris mula nang kuhanin siya as Face of Shopee. Pagdating sa mga nagtatanong sa posibleng television comeback niya, sinagot ni Kris ang nagtanong kung totoo raw na kukuhanin siya ng isang bagong TV network para sa big project nito next year.

 

Sinagot ito ni Kris nang, “I haven’t met with any of their reprepsentatives.”

 

At sa tanong kung may chance pa rin na mag-work pa rin siya sa ngayon ay off-air pa na ABS-CBN, positibo naman ang naging tugon ni Kris dito na, “I’d like to think bridges can always be built.” (ROSE GARCIA)

Other News
  • P750 nationwide minimum wage hike, inihirit

    INIHAIN sa Kamara ang P750 daily wage increase sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.     Sa ilalim ng House Bill 7568 ng Makabayan bloc solons na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sakop din ng panukala […]

  • Full Voice Cast Revealed for Walt Disney Animation Studios’ “Wish”

    Excitement is in the air as Walt Disney Animation Studios unveils a brand-new trailer, poster, and enchanting images of “Wish,” the epic musical comedy that’s set to dazzle Philippine cinemas on November 22, 2023.     But that’s not all, the talented members of the film’s voice cast revealed, adding even more star power to […]

  • Delay sa allowance ng mga health workers mula sa tatlong pampublikong pagamutan, sisilipin ni Sec. Roque

    MAGSASAGAWA ng validation si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa ulat na may umaalmang mga health workers bunsod ng pagkaka-antala ng kanilang allowance.   Batay sa impormasyon, mula umano ito sa tatlong government hospitals.   Ani Sec. Roque, makikipag-ugnayan siya sa DOH Finance upang malaman ang katotohanan sa napaulat na delay.   Aniya pa, dati […]