JASMINE, damay sa kabastusan at kawalang respeto kay VP Leni
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
DAMAY ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith sa mga tina-tag at mine-mention ng netizens dahil boyfriend niya ang Department of Tourism-Ilocos Region na si Jeff Ortega.
Sa isang event ng tourism kasi kunsaan, present ang dat- ing Senator na si Bongbong Marcos, ipinakilala ito ni Jeff bilang former Senator and Vice President Bongbong Marcos. May video na ini-upload at kumakalat sa social media kaya may “resibo” ang naging action ng boyfriend ni Jasmine.
Negatibo ang halos karamihan ng comments sa ginawang ito ng boyfriend ng actress. Bukod sa kawalan daw ng respeto sa tunay na Vice President ng bansa na si Leni Robredo.
Nabastusan at kawalang respeto para sa maraming netizens ang ginawa na ito ng boyfriend ni Jasmine na may posisyon pa naman daw sa government. May nag-comment pa na bata pa lang, may ganito ng karakter na ipinapakita.
Walang duda na isang Marcos loyalist si Jeff at maaaring ang clan na mula sa La Union. Mukhang hindi maiiwasan na mababahiran ng negatibong impression na ang netizens sa boyfriend ni Jasmine dahil sa pangyayaring ito.
Pero sa personal naming palagay, wala rin masama kung maglalabas siya ng public apology lalo na kay V.P. Leni na siyang nakaupo at elected Vice President naman talaga ng bansa.
*****
BOTONG-BOTO talaga ang mga followers ni Kris Aquino sa kanilang dalawa ni Attorney Gideon Pena.
May ibang naniniwala na there’s something between the two, sa kabila ng paulit-ulit na sinasabi ni Kris na magkaibigan lang talaga sila.
At sabi ng iba, sana raw ay sila na lang talaga dahil kayang-kaya rin daw sakyan ni Attorney Gideon ang mga “kababawan” ni Kris.
Minsan pang sinagot ni Kris ang nag-assume na sila na nga sa kanyang Instagram nang mag-comment ito na, “Happy to see u with some- one. I’ve always admired you.”
Sey ni Kris, “In the sense I’m not alone (kuya josh went to visit my sister viel & bimb was still sleeping) BUT there’s really just friendship & it’s a chill type of togetherness.”
Halatang mas masaya at mas positive si Kris mula nang kuhanin siya as Face of Shopee. Pagdating sa mga nagtatanong sa posibleng television comeback niya, sinagot ni Kris ang nagtanong kung totoo raw na kukuhanin siya ng isang bagong TV network para sa big project nito next year.
Sinagot ito ni Kris nang, “I haven’t met with any of their reprepsentatives.”
At sa tanong kung may chance pa rin na mag-work pa rin siya sa ngayon ay off-air pa na ABS-CBN, positibo naman ang naging tugon ni Kris dito na, “I’d like to think bridges can always be built.” (ROSE GARCIA)
-
Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na
NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20 ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit […]
-
Sparring ni Pacquiao level-up na!
Mas lalong patataasin ni Hall of Famer Freddie Roach ang lebel sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California. Kabilang sa estratehiya nito ang paghamon sa lahat ng sparring mates na isasabak nito kay Pacquiao kung saan bibigyan ng mahusay na trainer ng pabuya ang […]
-
TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3
Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC). Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264. […]