JASON, nagsisisi na sa pagboto kay Pangulong RODRIGO DUTERTE at humingi ng patawad sa sambayanan
- Published on April 24, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSISISI si Jason Abalos sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinahayag niya ito sa kanyang Twitter account kasabay ng paghingi ng patawad sa sambayanan.
“Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago,” ang tweet ni Jason.
Kasama ng tweet ng aktor ay ang news item ng magkasalungat na pahayag ni PRRD tungkol sa West Philippine Sea noong 2016 na kumakandidato pa lang itong Pangulo at ngayong Presidente na ito.
Ang statement ni Digong noong 2016 ay, “bababa ako at sasakay ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport (ng China) tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me.’”
Pero sa huling televised address ng Pangulo ay ito na ang kanyang pahayag, “Even if I go there, I said, with Secretary (Delfin) Lorenzana, and sail there and ask questions, wala mang mangyari. Sasagutin ka lang, but you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back.”
***
IBA rin ang kinauwian ng relasyon ng dating mag-jowa na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Pinayuhan pala ni Julia si Joshua na huwag munang mag-girlfriend. Ganito raw ngayon ang friendship nilang dalawa.
Ikinuwento ito ni Boy Abunda sa kanyang ‘The Best Talk’ digital show. Aniya ay nakausap niya si Julia at marami silang napagkuwentuhan kabilang na nga si Joshua.
“Sabi niya (Julia), ‘alam mo, tito Boy, ‘yung pagiging magkaibigan namin ni Joshua ngayon is at its best, we’re very, very good friends,’” sey ng King of Talk.
The funny thing, ayon pa kay Julia, ay siya na ang nagbibigay ng payo ngayon kay Joshua at pinayuhan daw niya ang ex na, “Joshua, ‘wag ka muna mag-girlfriend. Mag-concentrate ka sa trabaho mo.”
Sabi ni Kuya Boy, “because she sees how passionate and how driven Joshua Garcia is as an actor.”
Napag-usapan din daw nila of course ang current boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson at ayon sa young actress, the best thing about him is he guides her.
“She’s very happy, obviously, very happy,” kwento pa ni Kuya Boy. (ROSE GARCIA)
-
Jeric, naka-apat na international best actor awards: KEN, aabangan kung maitutuloy ang winning streak ni Direk LOUIE
AFTER Jeric Gonzales, si Ken Chan na kaya ang next actor na magwawagi ng award para sa movie na dinirek ni Louie Ignacio? Si Ken kasi bida sa upcoming directorial project ng premyadong director titled Papa Mascot. Huling nakatrabaho ni Direk Louie si Ken sa MMFF 2021 entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions […]
-
PRIDE FESTIVAL 2023, IDARAOS SA QUEZON MEMORIAL CIRCLE
INAASAHANG aabot sa 50,000 ang makikilahok sa isasagawang Pride Festival ngayong taon na isasagawa sa Quezon Memorial Circle ayon sa Pride Ph, ang organizer ng naturang festival. Magsisimula ang festival alas dyes ng umaga at magkakaroon ng PRIDE EXPO, PRIDE MARCH AT PRIDE NIGHT. Sabi naman ni Rod Singh, ang syang […]
-
Simmons sinuspendi ng 1 laro ng 76ers
Sinuspendi ng Philadelphia 76ers ng isang laro si Ben Simmons dahil sa hindi pagkakaintindihan ng kapwa manlalaro nila. Dahil dito ay hindi makakapaglaro si Simmons sa pagharap ng koponan laban sa New Orleans Pelicans. Sinabi Sixers coach Doc Rivers na may ibang manlalaro pa na papalit sa puwesto ni Simmons. […]