Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.
Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.
Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto sa kanyang mga teammates.
Sa kabila nito, nagbigay pugay pa rin si Tatum sa Warriors dahil sa matinding game na ipinakita.
Sa naging panalo ng Warriors, para sa ibang mga nagmamasid ipinakita raw ni Stephen Curry ang kanyang legendary game na nagbuhos ng 43 points kung saan dinomina ang laro tuwing nasa loob siya ng court.
Kung mapanatili ng Warriors ang ipinakita kanina hanggang sa Game 5 ay isang panalo na lamang ang kanilang kailangan.
Gayunman para kay Tatum kumpiyansa pa rin siya na makakabawi sila sa next game at kailangan lang daw ay mabawasan ang kanilang mga turnovers at pag-ibayuhin ang kanilang offensive movement upang hindi madiskaril ang hinahangad nila na ika-18 kampeonato sa prangkisa ng Boston Celtics.
-
Mayor Magalong, nagbitiw bilang tracing czar
NAGBITIW na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang tracing czar kontra Covid-19. Iyon nga lamang ay hindi tinanggap ng National Task Force against Covid 19 ang pagbibitiw ni Magalong. Patuloy kasi ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtitiwala at kumpiyansa ang liderato ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa kanya. […]
-
Omicron tiyak na makakapasok din sa Pinas – Duque
Nakakatiyak si Health Secretary Francisco Duque na makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron variant ng COVID-19. Pero sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kailan makakapasok. Ginawa ni Duque ang pahayag matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na […]
-
Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas
TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City. Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer […]