• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame

Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony.

 

 

Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma Muros-Posadas at 1988 Olympic gold medalist Arianne Cerdena ng bowling.

 

 

Ang iba pa ay sina Dionisio Calvo (basketball at football coach), Gertrudes Lozada (swimming), Rogelio Onofre (athletics) at Olympic bronze medalist boxers Leopoldo Serantes at Roel Velasco.

 

 

Ang PSHOF ay itinatag ng Philippine Sports Commission (PSC) isang dekada na ang nakakalipas sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

“These heroes and their achievements have become a source of pride and inspiration for us and for the future generation of Filipinos,’’ wika ni Ramirez.

 

 

Ang 10 enshrinees ay tatanggap ng P200,000 bawat isa kasama ang PSHOF trophy sa digital awarding ceremony.

 

 

Si Ramirez ang chairman ng PSHOF at si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang vice chairperson.

Other News
  • Curry bagong NBA 3-point King

    Tuluyan nang gumawa ng kasaysayan si Stephen Curry ng Golden State Warriors.     Inungusan ni Curry si Ray Allen para sa pagiging NBA all-time three-point record holder matapos lampasan ang dating markang 2,973 triples ng NBA Hall of Famer sa 105-96 pagdaig ng Warriors sa Knicks.     Ipinasok ng 33-anyos na si Curry […]

  • Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP

    POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.     Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court.   Ayon sa PNP, may ilan […]

  • Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

    Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.     Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.     Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang […]