Jeep at iba pang pampublikong sasakyan, payagan nang bumiyahe
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Hinikayat ng grupong Gabriela ang gobyernong Duterte na payagan na ang mga jeep, bus at iba pang mass transport services na makabiyahe ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine (GQC) ang Metro Manila at ilan pang karatig na lugar sa bansa.
“Malinaw ngayong unang araw ng GCQ ang parusang dulot sa komyuter at drayber ng pagmamatigas ng gobyerno para pagbawalan ang pagpasada ng mga jeepney at public buses. Dapat na baguhin agad ang panuntuhan ng otoridad kaugnay nito. Huwag na nating dagdagan pa ang paghihirap ng ating mga kababayang babalik sa trabaho matapos ang mahigit 2 buwan na lockdown,” ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas.
Sinabi pa ng mambabatas na mas mapanganib pa nga ang paglalaan ng mga military trucks at police mobiles bilang transport service dahil hindi nito masisiguro ang kalusugan at safety protocols ng mga pasahero.
“Bakit hindi tulungan ng gobyerno ang mga tsuper at mananakay na umangkop sa sinasabing new normal at health protocols sa public transport? Mahigit 2 buwan silang walang pasada at kita. Bakit pa natin pahahabain ang kanilang pagdurusa?” pahayag pa ng kongresista.
Lumilitaw aniya na ginagamit umano ng ilang transport officials ng pamahalaan ang GCQ protocols para makapasok ang mas magastos na modernong transport vehicles habang inaalis ang mga locally assembled at iconic na jeep. (Ara Romero)
-
Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang nega comments: ALEX, parang pinapangatawanan pa ang mga hirit base sa tweet niya
MAGANDA ang naisip na concept ni Aiko Melendez sa kanyang Youtube channel. Ang ininterview niya ay ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre Yllana. May mga tanong na do’n lang daw naibato ni Aiko kay Andre. Isa na rito ‘yung tungkol sa damdamin ni Andre sa ama. […]
-
‘Vaccine hesitancy’ ng mga Pinoy, 10% na lang
BUMABA na sa 10% ang ‘vaccine hesitancy’ o ang kawalang-tiwala sa COVID-19 vaccines ng mga Pilipino sa kabila na bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na bilang sa katatapos na ikatlong bugso ng ‘national vaccination drive.’ “At the start talaga, since last year, meron talagang hesitancy ‘yan na mga […]
-
2 kaso ng COVID-19 ‘Indian variant,’ naitala na sa Pilipinas: DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang dalawang Pilipino na nag-positibo sa B.1.617, ang variant ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa India. “Kasunod ng isinasagawa nating purposive genomic sequencing ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa mga inbound travelers na dumating sa bansa noong Abril na may […]