• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeep at iba pang pampublikong sasakyan, payagan nang bumiyahe

Hinikayat ng grupong Gabriela ang gobyernong Duterte na payagan na ang mga jeep, bus at iba pang mass transport services na makabiyahe ngayong nasa ilalim  na ng general community quarantine (GQC) ang Metro Manila at ilan pang karatig na lugar sa bansa.

 

“Malinaw ngayong unang araw ng GCQ ang parusang dulot sa komyuter at drayber ng pagmamatigas ng gobyerno para pagbawalan ang pagpasada ng mga jeepney at public buses. Dapat na baguhin agad ang panuntuhan ng otoridad kaugnay nito. Huwag na nating dagdagan pa ang paghihirap ng ating mga kababayang babalik sa trabaho matapos ang mahigit 2 buwan na lockdown,” ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas.

 

Sinabi pa ng mambabatas na mas mapanganib pa nga ang paglalaan ng mga military trucks at police mobiles bilang transport service dahil hindi nito masisiguro ang kalusugan at safety protocols ng mga pasahero.

 

“Bakit hindi tulungan ng gobyerno ang mga tsuper at mananakay na umangkop sa sinasabing new normal at health protocols sa public transport? Mahigit 2 buwan silang walang pasada at kita. Bakit pa natin pahahabain ang kanilang pagdurusa?” pahayag pa ng kongresista.

 

Lumilitaw aniya na ginagamit umano ng ilang transport officials ng pamahalaan ang GCQ protocols para makapasok ang mas magastos na modernong transport vehicles habang inaalis ang mga locally assembled at iconic na jeep.  (Ara Romero)

Other News
  • MATTEO, pinuna ng basher sa pagbubuhat ng barbell at tinawag na ‘copycat clown’

    PINOST ni Matteo Guidicelli ang video ng pagbubuhat niya ng barbell na may bigat na 130 kg na kitang-kita kinaya niya per sa bandang huli’y nahirapan na talaga talaga siya.     Caption niya, “PR UNLOCKED TODAY!! #StayHard     “Training with Coach Arnold has always been “hard working” sessions. That’s why we do the […]

  • NBA star Vince Carter bilib sa Pinoy artists

    Nahirang ang dalawang Pinoy artists na manguna sa paggawa ng obra ng nagretirong si NBA star na si Vince Carter.   Matutunghayan ang gawa nina Jayson Atienza at AJ Dimacurot na nakadisplay sa tribute website na ginawa para kay Carter.   Nagpasalamat si Atienza dahil isa siya sa 15 mga artist sa buong mundo na […]

  • 3 KULONG SA P.6M HALAGA NG DROGA SA CALOOCAN

    Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng pulisya ng halos P.6 milyon halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na operation sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa […]