• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JENNICA, nilinaw na hindi pera ang pinag-awayan nila ni ALWYN

BALIK-GMA Network si Jennica Garcia, pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating husband na si Alwyn Uytingco. 

 

 

Hindi raw over money ang pinag-awayan nila, pero dinipensahan niya ang asawa sa pagsasabing, “the good things that I said about how I honor Alwyn up to this day, because he was never materialistic, hardworking and a good provider. Financial problem is not the reason. I will never say anything bad about the father of my children.

 

 

May project agad si Jennica sa GMA, sa ngayon ay nasa lock-in taping na siya ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, at kasama sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Sila at Jason Abalos.  Sa direksyon ito ni Monti Puno Parungao.

 

***

 

 

NAKA-LOCK-IN taping break ngayon ang cast ng The World Between Us ng GMA Network, pero si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ay sinamantala ang break na iyon para magawa niya ang mga previous commitments niya, tulad ng mga photo-shoots at TVC shoots ng mga bago niyang endorsements, kasama na rito ang mga pa-swab tests sa bawat work na gagawin niya.

 

 

     Next week pa muli babalik ang cast ng serye ng GMA Telebabad para sa second cycle ng lock-in taping nila.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang The World Between Us na nagtatampok din kina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, sa direksyon ni Dominic Zapata.

 

 

May mga nagtatanong nga pala kung ano raw ang roles nina Alden, Tom at Jasmine? Ganoon din sina Jaclyn Jose at ng special guest na si Glydel Mercado?

 

 

Pumasok din sa serye ang nagbabalik-GMA Network na si Sid Lucero, matapos lumipat nito sa ABS-CBN.

 

 

For sure ay madadagdagan pa ang cast ng serye at kung ano ang storyline nito.

 

 

***

 

 

LAST four weeks na lamang simula ngayong Monday, June 7, ng romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.      Kinakikiligan nga ng netizens ang relasyon nina PGA (President Glenn Acosta) at Yaya Melody.  Nadagdagan pa ito nang pagpasok din ng blooming relationships nina Nina (Cassy Legaspi) at Jonas (JD Domagoso) at nina PSG Conrad (Pancho Magno) at PSG Val (Thia Thomalla).

 

 

Pero ang tanong ay magtuluy-tuloy bang smooth ang kanilang mga relasyon?

 

 

Sa direksyon ni LA Madridejos, napapanood ang First Yaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras

 

Simula rin ngayong gabi, mapapanood na pagkatapos ng First Yaya ang pinakahihintay na pagbabalik ng Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 

 

 

Nagpasalamat ang mga DongYan fans sa GMA Network sa pagbabalik ng serye na adapted mula sa Korean Drama na Autumn in My Heart dahil inip na inip na silang muling mapanood ang kanilang mga idolo na magkasama sa isang project.

 

 

Pagkatapos ng Endless Love saka naman mapapanood ang Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, na nasa last two weeks na lamang.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela

    UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1.   Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]

  • Eric Bellinger, Inigo Pascual, Sam Concepcion, Moophs, Zee Avi, at Vince Nantes, nag-unite para sa ‘Rise’

    NAGSIMULA na ang worldwide release ng “Rise” thru Tarsier Record s ng ABS-CBN noong Setyembre 18 na kung saan nag- unite ang ilang Asian artists para sa collaboration na ito.   Kinabibilangan ito nina Grammy Award-winning R&B artist Eric Bellinger, Filipino pop stars na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion, Manila-based pro- ducer na si […]

  • Confidential funds, nakalaan para sa national firewall, expert training- DICT

    GAGAMITIN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang confidential funds nito para maglagay ng firewall at sanayin ang cybersecurity experts.     Muli kasing inilaan ng  House panel  ang P300 million sa confidential funds sa panukalang  budget ng DICT sa intelligence agencies.  Mananatili namang inilaan ng DICT  ang P25 million mula alokasyon para […]