• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jerusalem ‘di isusuko ang WBC crown kay Castillo

GAGAWIN ni Pinoy world champion Melvin Jerusalem ang kanyang mandatory title defense kontra kay Mexican challenger Luis Angel Castillo sa Linggo sa Mandaluyong City College Gym.
Sinabi ni Jerusalem, ang reigning World Boxing Council (WBC) minimum weight king, na napag-aralan na nila ang mga galaw ni Castillo.
“Pagka-champion pa lang ni Melvin alam na namin na siya (Castillo) ‘yung mandatory, kaya nag-ready na kami,” ani trainer Michael Domingo kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.
Bitbit ng 30-anyos na si Jerusalem ang 22-3-0 win-loss-draw ring record tampok ang 12 knockouts, habang dala ng 27-anyos na si Castillo ang 21-0-1 (13 KOs) card.
Nakamit ni Jerusalem ang WBC minimum weight belt matapos ang via split decision laban kay Japanese Yudai Shigeoka sa Nagoya noong Marso.
Nangako si Castillo na dadalhin niya ang korona ni Jerusalem pauwi ng Mexico City.
“I know this is going to be a tough fight, but I know we will emerge victorious. And I want to tell the champion here that he should enjoy his days as a world champion,” ani Castillo sa pamamagitan ng interpre­ter sa sesyon na inihandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at ng 24/7 sports app ArenaPlus.
Ngunit walang balak isuko ni Jerusalem ang kan­yang titulo.
“Enjoy-in mo nalang ang pag-stay mo sa Pilipinas, makikita nalang natin sa laban,” sagot ng tubong Manolo Fortich, Bukidnon sa Mexican fighter.
Samantala, lalaban si dating IBF super flyweight titlist Jerwin Anca.
Other News
  • Malonzo nagparehistro na sa 36th PBA Rookie Draft 2020

    PASOK na rin para sa Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2020 na nakatakda sa Marso 14 si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Fi-Am  Jamie Malonzo.     Nagpasa na ng application para sa annual Draft nitong Huwebes ang 6-foot-6  forward at naglaro rin sa United States National Collegiate Athletic […]

  • Pumirma sila ng waiver na payag gawin ang eksena: RHIAN, first time na nakipag-love scene na hindi lang isa kundi dalawa pa

    BALIK-HOSTING si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, pagkatapos ng huli niya, na StarStruck 7.       Muling iho-host ni Dingdong ang Family Feud, ang Philippine version ng popular American game show na muling ibabalik ng GMA-7.     Ito ang ipapalit ng GMA-7 sa Dapat Alam Mo  ang informative show hosted by Kuya Kim (Kim Atienza), […]

  • P1.9-M halaga ng smuggled na sibuyas nakumpiska ng PNP at Bureau of Customs sa Tondo, Manila

    LIBO-LIBONG sako ng smuggled yellow onions o sibuyas na nagkakahalaga ng P1.9 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang operasyon sa Tondo, Manila.     Kasama rin sa naturang operasyon ang mga tauhan ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at […]