• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malonzo nagparehistro na sa 36th PBA Rookie Draft 2020

PASOK na rin para sa Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2020 na nakatakda sa Marso 14 si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Fi-Am  Jamie Malonzo.

 

 

Nagpasa na ng application para sa annual Draft nitong Huwebes ang 6-foot-6  forward at naglaro rin sa United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division I school Portland State University.

 

 

Kuminang sa 82nd UAAP 2019 ang high-flying baller para sa Taft-based squad at napabilang sa Mythical Five. Sumabakl din si Malonzo para sa Mighty Sports sa 2020 Dubai International Basketball Tournament at Marinerong Pilipino sa PBA D-League.

 

 

Ang iba pang nagsumite ng application papers para mag-pro cager na rin ay sina James Laput ng De La Salle University, Larry Muyang ng Colegio de San Juan de Letran, at Juan Manzo at David Murrell ng kjapwa University of the Philippines. (REC)

Other News
  • NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP

    PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng  madaling araw.   Hindi na umabot ng buhay sa  Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP […]

  • Bulacan, makikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month kasama ang LGBT Community

    LUNGSOD NG MALOLOS– Ipagdiriwang ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community-Bulacan Federation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at pakikiisa ng PNP-Bulacan ang taunang LGBT Pride Month mula Hunyo 17 hanggang Hulyo 22, 2021 bilang pagkilala sa positibong impluwensya ng mga LGBT sa mundo.     Tinawag na ‘Lakbay Kumustahan: The LGBT Bulacan Hello […]

  • Serial killer at ‘puting van’ sa pangingidnap, ‘di totoo

    HINDI totoo na may serial killer at grupo ng mga kriminal na nakasakay sa puting van na responsable sa insidente ng mga pagdukot at pagpatay.     Ito ang sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo dahil iba-iba ang mga suspek sa mga nagdaang insidente ng pandurukot at mayroon silang iba’t ibang motibo.     […]