• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JESSY, pinanindigan na ‘di totoong lilipat na sa GMA Network; freelancer kaya puwedeng mag-guest tulad ni XIAN

PINANINDIGAN pa rin ni Jessy Mendiola na hindi totoong lilipat siya sa GMA Network, pero dahil freelancer siya, ay pwede naman siyang mag-guest kahit saang network. 

 

 

Katulad last Wednesday, July 7, nag-guest siya sa Shopee 7.7 TV special at dalawa sila ng kapwa niya dating Kapamilya, si Xian Lim, sa pagho-host ng show.

 

 

Si Xian ay Viva Artist na ngayon at pwede rin siyang lumabas at gumawa ng project sa Kapuso Network kaya may gagawin siyang teleserye, very soon, sa GMA na makakatambal niya si Jennylyn Mercado.

 

 

***

 

 

HABANG naghihintay pa si Ultimate Star Jennylyn Mercado sa pagsisimula ng lock-in taping nila ni Xian Lim, busy muna siyang naggi-guest sa mga GMA shows.

 

 

Matapos niyang mag-guest sa real-life drama episode na Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco, ngayon naman ay gaganap siya sa isang pakilig at funny magical story na “Last People on Earth” sa all-new episode ng award-winning weekly magical anthology on TV, ang Daig Kayo Ng Lola Ko. Makakatambal ni Jennylyn ang versatile actor na si Paolo Contis.

 

 

“Excited ako dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakagawa ng comedy at ngayon, makakatambal ko pa si Paolo na kilala nating mahusay na actor at comedian,” sabi ni Jennylyn.

 

 

“Huwag ninyo kaming i-miss sa Sunday, July 18, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMING netizens ang pumuri sa ginawa ng GMA Entertainment Group na simulan ang story ng The World Between Us nang bata pa sina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmin Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez), kaya malalaman na kung saan nagsimula ang bawat character nila, kung ano ang pinaghuhugutan nila, na napapanood sa mga teasers ng serye bago pa ang kanilang world premiere noong July 5.

 

 

Ngayon ay masasagot na kung bakit kayang unahin ni Louie ang pag-aaral at kalimutan muna ang love niya kay Lia; sino ang susundin ni Lia, ang puso niya o ang kanyang pamilya, at si Brian, inggit ba ang dahilan kaya tutol siya kay Louie?

 

 

Simula ngayong Friday, July 9, mapapanood na sina Alden, Jasmine at Tom, at simula na ang labanan sa acting nilang tatlo.  Pinuri rin ng mga netizens ang mga gumanap sa role nila noong bata pa dahil pare-parehong mahuhusay sina Izzy Canillo, Shanelle Agustin at Will Ashley, respectively.

 

 

Kasama pa rin sina Ms. Dina Bonnevie, Ms. Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelly Day, Alyana Asistio, napapanood ang The World Between Us gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

***

 

MULI nang napapanood sa GMA-7, ang teaser ng Legal Wives dahil natapos na finally ang kanilang lock-in taping at sa Monday, July 26 na ang world premiere ng family drama sa GMA Telebabad.

 

 

Ang serye na dinirek ni Zig Dulay (na siya ring nag-direk ng Sahaya ni Bianca Umali), ay magpapakita ng iba’t ibang mukha ng pag-aasawa.

 

 

Gagampanan ni Kapuso Dramatic Actor Dennis Trillo ang role ng isang Mranaw, si Ismael, na may tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan.

 

 

Challenging para kay Andrea Torres as Diane, ang nag-iisang Christian sa tatlong asawa.  New perspective naman kay Bianca Umali as Farrah, ang role niya at para kay Alice Dixson as Amirah, sa pamamagitan daw ng serye ay mas marami tayong matututunan sa kultura ng mga kapatid nating Muslim.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM

    DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon.     “Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., […]

  • Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’.     “We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government […]

  • Pag-aaral sa umento sa sahod ng mga gov’t workers’, posibleng matapos ngayong Hunyo

    SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang nagpapatuloy na pag-aaral para sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ay target na makumpleto sa pagtatapos ng Hunyo ngayong taon. Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang Compensation and Benefits Study para sa salary adjustments ng mga manggagawa sa gobyerno […]