• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jimmy Butler, wala pang plano sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Miami

WALA pang plano si NBA star Jimmy Butler kung aalis o mananatili siya sa Miami Heat sa susunod na taon.

 

 

Sa media day ng Heat ilang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng bagong season ng NBA, natanong si Butler kung ano ang kanyang plano sa Miami sa susunod na taon.

 

 

Nakatakda kasing maging free-agent si Butler sa susunod na taon kasabay ng pagtatapos ng kanyang kontrata sa Miami.

 

 

Ayon kay Butler, bagaman wala pang katiyakan sa kaniyang magiging ‘future’ sa Miami, masaya siyang naglalaro sa naturang team at walang ibang kanyang iniisp sa ngayon kungdi ang maglaro at i-representa ang Heat.

 

 

Giit ni Butler, nais niyang tutukan kung paano maipanalo ang mga laban ng Heat sa kabuuan ng season at saka na lamang ito magdedesisyon pagkatapos nito.

 

 

Samantala, marami rin ang nagulat ngayong taon dahil sa walang pagbabago sa appearance ng Miami star.

 

 

Maalalang noong nakalipas na season ay lumabas si Butler suot ang kanyang ’emo Jimmy’ look na agad naging trending sa social media.

 

 

Noong 2022 media day, naging patok din ang ‘dreadlocks Jimmy’ na kinaaliwan ng mga fans ng NBA.

 

 

Nang matanong si Butler ukol dito, sinabi niyang ‘normal Jimmy’ ang kanyang suot sa ngayon dahil sa hindi umano nasunod ang kanyang mga plano, bago ang media day.

 

 

Oct 2(oras sa Pilipinas) ay sisimulan na ng Miami Heat ang training camp sa Bahamas.

Other News
  • Lucena City’s Pride: Reuben Nepthaly Romulo Bags ‘1st PAC F2F Aquascaping’ Championship

    PROVINCIAL Champion REUBEN NEPTHALY ROMULO from Lucena City, Quezon proclaimed as the Grand Champion of the ‘1st PAC (Philippine Aquascaping Club) Face to Face Aquascaping Competition’.      The awarding ceremony held at Vista Mall Sta. Rosa last September 18, 2022.     His magnificent masterpiece titled ‘Erosion’ eroded and defeated 16 equally beautiful and impressive […]

  • Pagbibibigay-pugay sa mga co-stars, sinaluduhan ng netizens: DINGDONG, pinahanga nang husto ni DION sa pagiging mahusay na stand-in actor

    TULAD ng pinangako ni Dingdong Dantes na gumaganap na kambal na mini–series na I Can See You: AlterNate, ipinakilala niya last Monday ang stand-in Kapuso actor na wala iba kundi si Dion Ignacio, na labis-labis niyang hinangaan.     At para magawa nang mas maayos ang mga eksena nina “Nate” at “Miguel”, ang aktor nga […]

  • Duterte: Beep Cards ibigay ng libre

    IPINAG-UTOS ni President Duterte sa kanyang mga opisyales na ibigay na lamang ng libre and stored value cards o mas kilalang Beep cards sa mga commuters.   “Give the (Beep) card free,” ito ang kanyang sabi noong nakaraang Lunes ng magkaroon sila ng pagpupulong ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious […]