• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jinggoy, ex-PDEA agent, nagkasagutan sa Senado

NAGKAKASAGUTAN sina Sen. Jinggoy Estrada at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa sinasabing nag-leaked na dokumento na nagsasangkot sa ilang personalidad sa ilegal na droga.

 

 

Ipinanood sa pagdinig ang isang CCTV ­footage na isinumite ni Morales kung saan makikita ang pag-uusap nila ni Department of Justice investigation agent Romeo ­Enriquez.

 

 

Sa pag-uusap na iyon naka-speaker phone si Enriquez kung saan kausap ang isang  “Eric Santiago” at sinusubukang  pigilan si Morales na tumestigo sa Senado.

 

 

Kinuwestiyon ni Estrada ang mga kaso ni Morales at tinanong kung papaano makakasigurado na hindi edited ang video gayong kilala si Morales na may mga criminal records.

 

 

 

Halatang nainsulto si Morales sa sinabi ni Estrada sabay paalala na na-convict na ang senador.

 

 

“Parang ‘di naman po maganda ‘yung sinasabi ni Sen. Jinggoy Estrada, parang ako naman talaga hinuhusgahan. Eh ako, may kaso pa lang at ‘di pa napapatunayan sa hukuman, ‘di kagaya ng ating butihing senador ay na-convict na po. ‘Wag naman. po ganun,” ani Morales.

 

 

Matatandaan na pinawalang-sala  ng Sandiganbayan si Estrada sa kasong plunder, ngunit napatunayang guilty siya sa isang count ng direct ­bribery at 2 counts ng indirect bribery dahil sa pagkakasangkot niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

 

 

Sinabi ni Estrada noong panahong iyon na naguguluhan siya sa hatol na guilty at base information sheet, walang kasong bribery o indirect bribery na isinampa laban sa kanya.

 

 

“Alam mo, Mr. Morales, wag mo pakikialaman ‘yung kaso ko, problema ko ‘yun. ‘Yung kaso mo ang ayusin mo,” ani Estrada.

 

 

Namagitan naman si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at sinabihan si Morales na huwag kuwestyunin ang trabaho ni Estrada bilang senador at vice chairman ng komite. (Daris Jose).

Other News
  • Bangkay ng dalagita lumutang sa pumping station sa Navotas

    NAGTAPUAN ang bangkay ng isang hindi pa kilalang dalagita na lumulutang sa tabi ng isang pumping station sa Navotas City.     Ayon kay Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes, wala pa ring mga kaanak na kumikilala sa bangkay na tinatayang nasa edad na 15 hanggang 20-taong gulang, may taas na 5” hanggang 5’2 […]

  • Imee Marcos, pinasalamatan ni VP Sara para sa pagsuporta sa pamilya Duterte

    PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Senador Imee Marcos para sa pagsuporta nito sa kanyang pamilya kahit pa nauwi ito sa tuluyang pagkakaroon ng tampuhan ng mag-pinsan na sina Imee Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     Sa naging mensahe ni VP Sara, sinabi nito na ‘proud’ ang kanyang sa pamilya sa […]

  • New trailer for “Furiosa: A Mad Max Saga” Arrives, starring Anya Taylor-Joy and Chris Hemsworth

    SHE will return with a vengeance. Anya Taylor-Joy plays the titular role in Furiosa: A Mad Max Saga, directed and written by Academy Award-winning visionary George Miller. The highly anticipated action adventure goes back to the iconic dystopian world of the Mad Max films, created more than 30 years ago by Miller. “Furiosa: A Mad […]