• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jobless Pinoy sumipa sa 2.11 milyon

SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo.
Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS).
Sinabi ni PSA chief  Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril.
Nagtala rin ang PSA ng 95.9 percent employment rate noong Mayo na mas mataas naman ng bahagya sa 95.7 percent noong Mayo ng nakaraang taon.
Nakapagtala rin ang PSA ng 4.82 milyon underemployed noong Mayo o katumbas ng 9.9% underemployment rate na mas mababa kumpara sa 14.6% tally o 7.04 milyong underemployed Pinoy noong Abril.
Other News
  • Tsina, itinanggi na hina-harass ang Pinas

    MARIING itinanggi ng Tsina na hina-harass nito ang Pilipinas sa kabila ng napaulat na agresyon na ginawa nito sa Philippine vessels, kabilang na ang mapanganib na pagmaniobra, araw ng Martes, Marso 5 na nauwi sa banggaan ng mga barko ng magkabilang panig.           “There is no such situation of China ‘harassing’ the Philippines,” […]

  • SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

    KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.   Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa […]

  • DINGDONG, napiling mag-host ng international singing competition na ‘The Voice Generations’ na first time mapapanood sa Asia

    TAPOS na ang pagtatanong at paghuhulaan, kung sino ang magho-host ng international singing competition, ang “The Voice Generations” na first time na mapapanood sa Asia at sa GMA Network.       Si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang napiling mag-host ng singing competition at ipinakilala na nga siya last Sunday, sa “All-Out Sundays.”     Si Dingdong […]