• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jobless Pinoy umakyat sa 2 milyon noong Marso 2024

BAHAGYANG  tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa bansa nitong Marso, batay sa pinakahuling labor force participation survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, naitala sa 3.9% ang unemployment rate o katumbas ng 2 milyong Pilipino na walang trabaho noong nagdaang Marso.
Mas mataas ito sa 3.5% unemployment rate noong Pebrero pero mababa naman kung ikukumpara sa 4.7% na naitala ng kaparehong buwan noong 2023.
Kasunod nito, nasa 96.1% ang employment rate o katumbas naman ng 49.15 milyong Pinoy na may trabaho sa bansa.
Samantala, mula sa 12.4% ay bumaba sa 11% ang underemployment rate o bilang ng mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.
Other News
  • Ads August 26, 2020

  • 11.2 milyong Filipino, fully vaccinated na- Galvez

    PUMALO na sa 11.2 milyong Filipino ang bilang ng fully vaccinated “as of August 8,” limang buwan matapos na simulan ng pamahalaan ang vaccination program noong Marso 2021.   “Almost 13 million have taken their first dose while 11.2 million Filipinos are now fully vaccinated, representing 15.88% of the targeted eligible population… and also 10.13% […]

  • Justin Timberlake, nag-apologize kina Britney Spears at Janet Jackson

    NAG–ISSUE ng public apology ang pop star na si Justin Timberlake sa former girlfriend na si Britney Spears at sa singer na si Janet Jackson.     Ayon kay Justin, he had failed them in the past.     Nakatanggap ng bashing si Timberlake on social media dahil sa interview niya 20 years ago tungkol […]