Jobless tumaas ng 1.8% nitong June – SWS
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
Tumaas ng may 1.8 percent o may 13.5 milyong katao ang jobless noong nagdaang Hunyo dulot ng umano’y mahabang panahon ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic.
Ito ay batay sa lumabas na SWS survey nitong June na may 27.6 percent o 13.5 milyon ang jobless mas mataas ng 1.8% kumpara sa 25.8% noong Mayo o may 12.2 milyong kataong walang trabaho.
Ayon sa SWS survey ang mga jobless ay mga taong boluntaryong umalis sa dating trabaho, mga naghahanap ng trabaho at mga natanggal sa trabaho dahil sa pandemic.
Ang jobless rate sa Metro Manila ay tumaas sa 40.9% noong June. Ang unemployment rate sa nala-labing bahagi ng Luzon ay tumaas ng 7 points mula Mayo dahil umabot ito sa 30.9% noong Hunyo. Ang jobless rate sa Visayas ay 21.3% at 19.2% sa Mindanao.
Mas marami ang jobless sa hanay ng mga kababaihan na umaabot sa 38.3% noong June habang sa mga kalalakihan ay nasa 19.8%.
-
Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay
NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang […]
-
Motorista puwedeng mamili kung PMVIC o PETC ang emission testing ng sasakyan
Hindi pipilitin ang mga motorista na mag avail ng emission testing sa mga private emission testing centers (PETCs) na siya naman sinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) hanggang wala pa further notice sa publiko. Kailangan ang inspection report ng emission testing centers sa […]
-
Ads August 17, 2020