• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Joe Calvin Devance Jr. nag-aaral mag-Filipino

HINDI diehard fan ang aking ama ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Sa kuwento niya sa akin kamakailan, noong huling bahagi ng dekada 80, mag-isa lang siyang maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan niya nang maliit pa siya sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa professional cage league.

 

Nang mag-disband ang dalawang team, nawalan na ng favorite team sa unang play-for-pay-hoop sa Asia ang aking tatay (Ramil Distrito Cruz).

 

Kaya nang mag-working student siya sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo, mag-correspondent na sa Balita,  at magsimulang mag-cover bilang reliever ni Flor Zaldy Perez sa Balita noong Mayo 1988, wala aniya siyang kinampihang team sa PBA.

 

Naging topic ko lang po ito ngayon dahil sa paghanga ng OD kay Joe Calvin Devance Jr. ng Ginebra dahil sa pag-aaral niya ng ating pambansang wika (Filipino o Tagalog) sa kasagsagan ng community quarantine ditto sa habang may COVID-19.

 

Mabibilang sa daliri ang hakbang na ito ng 38-anyos, may 6-7 taas na Fil-Am forward ng crowd favourite team.

 

Ang alam kong konektado sa PBA na talagang nag-aral ding mag-Tagalog, ayon sa aking papa ay si Meralco Bolts coach Norman Black.

 

Ginawa  ito ng 1989 PBA Grand Slam winner nang siya pa ang nagmamando sa Pop Co0la 800s ng RFM Corp. franchise noong 1997-99 sa paggabay ni team manager Elmer Yanga sa opisina ng kompanya sa Manda;uyong.

 

Ayon sa papa ko, kapag off-season ang PBA noon, 5-10 minutes niyang nakakausap sa landline telephone si coach Norman sa bahay niya. Ang misis niyang nanay ni dating PBA player Christopher Tan ang sumasagot sa telepono bago mag-uusap ng Tagalog ang ama ko’t si Black.

 

Kaya  saludo sa iyo ang OD Joe. Mabuhay ka!

 

***

 

Kung gusto po ninyong mag-reaksiyon  o may nais po kayong itanong, mag-email lang po kayo sa akin   sa jeffersonogriman@gmail.com.

 

Ipanalangin po nating lahat na matapos na ang  pandemya. Ingat po tayong lahat bawat araw, panatilihin po nating malakas ang ating pangangatawan at mabuti ang kalusugan.

 

Hanggang bukas po mga ka-PEOPLE’S Balita.

 

God bless us all! (REC)

Other News
  • Extension ng travel restrictions sa 10 bansa, inaprubahan ni PDU30

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa sa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Hary Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, indonesia, Malaysia at […]

  • 5 lumabag sa curfew sa Caloocan, nahulihan ng shabu

    Kulong ang limang indibidwal kabilang ang dalawang ginang na nahuli dahil sa paglabag sa curfew matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city.     Dakong 1:50 ng madaling araw, nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 ang mga pulis nang mamataan nila sina Marco Nazul, 52, construction worker […]

  • Hindi lang sa fashion events rumarampa: HEART, mapapanood naman sa ‘The Wedding Hustler’ after ng cameo sa ‘Bling Empire’

    HINDI lang pala sa mga fashion events sa Europe rumarampa si Heart Evangelista kundi pati na rin sa Hollywood.   Pagkatapos ng kanyang cameo appearance sa 3rd season ng Netflix series na ‘Bling Empire’, mapapanood naman next si Heart bilang guest sa pelikulang ‘The Wedding Hustler’.   Sa trailer ng naturang pelikula na tungkol sa […]