• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOLINA, na-scam ng cactus seller sa FB Marketplace

PINOST ni Jolina Magdangal sa kanyang IG account na na-scam siya ng isang cactus seller at mabuti na lang may nagbigay  kaya wish granted pa rin.

 

Sabi ni Jolina, “Golden Barrel”, isa sa wish list ko na mga cactus at ngayon ay granted na. To @thepeapot Maraming maraming salamat sa pagiging generous sa akin. Panatag ang loob ko pag sayo nanggagaling ang mga plants ko dahil alam kong naalagaan mo na bago mo ibenta o ibigay.

 

“Iba ang appreciation ko ngayon sa pagkakabigay sakin nito dahil last sunday, na SCAM ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace, sa kagustuhan ko makabili ng Golden Barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 gb at 7 pang kakaibang cactus. Ang ayos kausap, english speaking pa. Mode of payment ay gcash. Hapon ang huling text nya ay padeliver na ang mga order ko. At yun na ang huling text nya, nagmemessage ako nung gabi hanggang monday after lunch. Wala na.. pinapatay na ang tawag sa gcash number na binigay nya. Minessage pa sya ni mark sa Fb Marketplace para kunyari mag order at sumasagot! Pero sa akin ay wala na. At nung sinabihan ni Mark na asan na mga order ng asawa ko.. hindi na sinagot si Mark, at di na namin sya masearch.

 

“SCAM. First time nangyari sakin. Ganito pala feeling.

 

“Kung sino ka man “Samantha” (yun ang gcash name nya, hindi ko alam kung yun talaga name nya), maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi yan ang paraan para kumita ka. Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo parin yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat lahat. At pinagdasal na kita sa kanya.

 

“Ingat tayong lahat.
“Thank you sa pag basa ng lahat ng ito, kung umabot ka dito.”

 

 

Last week, nag-post ang asawa ni Mark Escueta ng, “Just sharing, got this picture in google. Isa ito sa wish cactus ko.. “The Golden Barrel”. Malaki sya and gandang ganda talaga ako sa kanya. Yellow ang color ng spikes nya. Nagkakaroon sya ng flower and slightly mabango.”

 

 

Reaction naman ng netizens na maka-karma din ang nang-scam kay Jolina. May nag-share din na maraming talagang scammers sa FB Marketplace, kaya mabuting sa ibang online flatforms na lang mag-order.  Mas okey din ang COD, kesa magbayad agad, para may protection sa mga scammers.

 

 

Anyway, ang gaganda nga ng cactus collection ni Jolina tulad ng ‘Tamarind Cactus’ na gusto na niyang magkaroon ng bulaklak.

 

 

Pero sa sa pinaka-favorite niya ngayon ang ‘Boobsie Cactus’.

 

 

Caption niya, “Dahil ako ay isang Beastfeeding advocate, nainlove ako sa cactus na ito. This is me.

 

“Meet my new and one of my most favorite cacti.. Myrtillocactus Geometrizans Fukurokuryuzinboku also known as “Booby or Boobsie Cactus or Titty Cactus”. Considered sya as rare cactus. A Japanese cultivar.

 

“Pwede syang lumaki hanggang 4.5 meters high and 10cm wide in diameter. Madali lang sila alagaan. Didiligan lang sila pag completely dry na ang soil.

 

#HalamanNanay #Cactus #BoobsieCactus #RareCactus.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Para-athletes ng bansa handa sa pagsabak sa Tokyo Paralympics

    Wala pa ring papayagang manood ng Tokyo Paralympic games.     Magsisimula kasi ito ngayong araw hanggang Setyembre 5.     Tiwala si Philippine chef de mission Francis Diaz na mamamayagpag muli ang mga pambato ng bansa.     Mula kasi sa dating anim na kalahok ng bansa ay naging lima na lamang dahil sa […]

  • PBBM, mainit na tinanggap si Indonesian President-elect Prabowo sa Malakanyang

    MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes si Indonesian President-elect Prabowo Subianto sa Palasyo ng Malakanyang.   Sa naging pag-uusap ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos kay Prabowo na magandang pahiwatig para sa Pilipinas at Indonesia ang pagpili ng huli sa Maynila bilang isa sa unang foreign visits bilang isang […]

  • PBBM, ipinag-utos sa PNP na imbestigahan ang “fatal shooting” sa radio broadcaster

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan  ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.     Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang  Philippine National Police […]