• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOLLIBEE BINONDO, NILOOBAN

NILOOBAN  ng hindi nakilalang salarin ang isang sangay ng fast food chain sa Binondo, Maynila kamakalawa ng kagabi.

 

 

Sa ulat ng MPD-PS 11, alas 11:30 ng gabi ng pasukin ng suspek ang Jollibbee fastfood chain sa Quintin Paredes St., Binondo, Maynila.

 

 

Nakasuot ang suspek ng facemask, short, T-shirt ,may katamtamang pangangatawan at may taas na 5’4.

 

 

Sa imbestigasyon, natuklasan ang panloloob sa Jollibbee kaninang umaga lamang ganap na alas 7  nang pumasok ang store manager na si Hasnah Ali.

 

 

Agad umanong napansin ni Ali na bukas na ang kanilang opisina at nang silipin ang kuha ng CCTV sa loob ng establisyimento, nakita ang suspek na sapilitang binuksan ang fire-exit Kung saan siya pumasok.

 

 

Agad na nagtungo sa opisina at pwersahan din itong binuksan at naghanap ng maaring makukulimbat pero iniwan ang cash vault ng buo saka umalis.

 

 

Gayunman, nang magsagawa ng inventory ang general manager at store manager, nadiskubre na may limang coin bags ang nawawala.

 

 

Tinatayang aabot sa P37,500 ang nawawalang pera o kinita ng tindahan.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at follow up operation para sa ikadarakip ng suspek. GENE ADSUARA

Other News
  • MMDA: Sariling coding schemes puwedeng ipatupad ng mga LGUs

    SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit mayroon ng Metro Manila Traffic Code, ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa rin na magpatupad ng kanilang sariling regulasyon sa trapiko.       Isa na rito ang regulasyonsa coding scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahing lansangan depende sa […]

  • Kamala Harris: US, dapat na manatiling nakasuporta sa Pinas sa gitna ng probokasyon ng Tsina sa WPS

    BINIGYANG diin ni Outgoing United States Vice President Kamala Harris ang kahalagahan na muling pagtibayin ang US commitment para idepensa ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).     Ito ang binanggit ni Harris sa isang telephone call kay Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. Martes ng gabi.   […]

  • Face mask sa indoor areas, boluntaryo na

    BOLUNTARYO na lang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas.     Inihayag ito ni Tourism Secretary Christina Fras­co matapos ang ipinatawag na Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinalakay ang mga gaga­wing pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor space.     Sinabi ni Frasco na maglalabas […]