JOMARI, umaming si ABBY ang ‘lucky charm’ at maraming naiturong tama sa buhay niya
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
NATANONG si Jomari Yllana na muling tatakbo para sa ikatlong termino bilang Konsehal ng 1st District ng Paranaque, tungkol sa patuloy na pangmamaliit sa mga artistang gustong maging public servant.
Kuwento ni Joms, “Bata pa lang ako naririnig ko na ‘yan, ‘artista lang ‘yan!’ Actually, noong panahon ng Guwapings pa lang, naaalala ko pa yun na isa sa tinayuan naming entablado for Sonny Belmonte sa Quezon City, tapos magsi-segue way kami kay Mayor Joey Marquez sa Paranaque.
“Growing up as an actor, naririnig namin ‘yan, pero dito naman sa Paranaque since I started, sanay na sanay na naman tayo everytime na maririnig natin yan.”
“Although, ang Paranaque, sanay naman talaga sa artista, we have Roselle Nava, Jason Webb, Vandolph Quizon, Anjo Yllana, Joey Marquez and Alma Moreno, kumpleto talaga kami kami hindi lang artista.
“But the competition is very tough! Kumbaga, ‘yun nilatag ng mga nauna sa amin na actor/politician, the standard is very very high.
“So kaming sumunod, hindi puwedeng hindi kami mag-perform, kasi meron kaming three-termer na Joey Marquez at Anjo Yllana.
“Kaya kung meron man kaming aanihin na itinanim nila, hindi mawawala na I-compare kami sa mga nagawa nila.
“Kaya kami dito, hindi pupuwedeng papetiks-petiks lang. We really have to performed. Nagpapasalamat din kami dahil maswerte na may naunang actor/politicians who paved the way for us,” dagdag paliwanag pa ng aktor na di malilimutan ang pagganap sa mga pelikulang The Healing, Ikaw ang Pag-ibig, Sigaw, Minsan Pa, Gatas… Sa Dibdib Ng Kaaway, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Sa Pusod ng Dagat, at Diliryo.
Kung babalik man siya sa pag-aartista after ng last term niya sa pagiging konsehal kung papalarin muli, mas gusto niyang makagawa ng pelikula dahil miss na miss na niyang makapag-shooting kesa gumawa ng teleserye dahil hindi gusto ang lock-in taping.
Inamin niya na nakatanggap siya ng tawag sa Ang Probinsyano, at kinausap din siya nina Dondon Monteverde at Erik Matti pero hindi hindi niya natanggap dahil nakatutok siya sa paglilingkod sa nasasakupang distrito.
Nabanggit din ni Jomari ang mga iniidolo niya na actor/politician ay ang mag-asawa na sina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez, dahil hindi matatawaran ang kanilang serbisyo sa kanilang nasasakupan, na nakabibilib at nakaka-inspire.
Bilib din ang Konsehal sa pinagdaanan ng kasabayan nila noong Dekada ‘90 na si Mayor Isko Moreno na nagpursige at nagsumikap, na ngayo’y isa na ngang tumatakbo bilang Pangulo sa Halalan 2022.
Tungkol naman sa supportive partner niya ngayon si Abby Viduya.
“Alam mo si Abby, napaka-espesyal sa akin, na kahit nagkahiwalay kami, ang ending kami rin pala.
“Si Abby is very supportive sa lahat nang ginagawa ko lalong-lalo na sa public service. Siya talaga ang masasabi kong lucky charm. Mula noong nagsama kami uli, marami siyang naiturong tama sa buhay ko.
“Isa siya sa mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon, kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya,” pahayag pa ng actor/politician.
“I’m here for him. If he needs anything, nandito lang ako for him kung ano ang kailangan ni Jom. I think, mostly napu-provide ko for him is inspiration. It goes both ways, pareho kami.
“Together we make each other stronger. We can face anything. Ganun ang love namin for each other. At saka yung mutual respect and understanding for each other,” say naman ni Abby na kasama sa big cast ng GMA Primetime series na Lolong na malamang next year na umere.
Tungkol naman sa pagbabalik-pelikula ni Abby, since uso naman ang sexy comedy ngayon, tatanggapin kaya niya kung mag-offer para sa Vivamax.
“For sure, kung sexy-comedy I would love to do that or any role tatanggapin ko, but with limitations na, kasi my body is not like before.
“Actually, may offer ang Viva Films, kaya lang, conflict of schedules at saka start yun ng pandemic, kaya scared ako to go out.”
Samantala, inamin ng dating aktor na very challenging ang second term niya bilang council member dahil na rin sa pandemya.
“Our focus in Paranaque is on livelihood and recovery, medical care and education,’’ tugon pa ni Jomari na head ng council committees on information technology, tourism and social services.
(ROHN ROMULO)
-
Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go
Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures. Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth. Sinabi ni Go na walang puwang sa […]
-
Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas
TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate. Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa. Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas […]
-
Nag-iwan sa Pinas ng P481 milyong halaga ng pinsala: Julian’, umalis na ng Pinas
LUMABAS na sa Pilipinas ang Supertyphoon “Julian” (international name: Krathon) . Sa paglabas sa bansa ni Julian ay nag-iwan naman ito ng limang kataong patay at dahilan ng pinsala sa agriculture sector na umabot sa P481.27 milyon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and […]