• March 26, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go

Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures.

 

Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.

 

Sinabi ni Go na walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Duterte ang mga corrupt at magnanakaw dahil ang “public office ay public trust”.

 

Ayon kay Go, inaasahan nilang gagawin ng task force na kinabibilangan ng DOJ, NBI, Ombudsman, COA, Executive Secretary at ang PACC ang malalimang imbestigasyon, audit at lifestyle check gayundin ang pagrerekomenda ng suspension, pag-prosecute at pagsasampa ng kaso hanggang sa dismissal kung kinakailangan.

 

Binigyang diin ni Go na tulad ng nabanggit ng pangulo, yayariin niya ang mga sangkot sa katiwalian.

 

Samantala, tiniyak ni Go na hindi matatapos sa paggamot ng korapsyon ang gagawin ng pamahalaan at sa halip ay dapat ding hanapan ito ng bakuna tulad ng isang sakit para maiwasan ang pagkakaroon nito sa mga susunod na panahon. (Daris Jose)

Other News
  • Nanggulat sa pagpayag na maging ‘calendar girl’: RIA, ipakikita na champion sa pagtataguyod ng body positivity

    MINAMARKAHAN ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl.   Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na naka-suot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture.   At ngayon at nanggulat nga ang na […]

  • Paiiraling sistema para sa PBA nakabitin pa ngayon – Marcial

    WALA pangpasya ang Philippine Basketball Association (PBA) kung anong paraan sa torneo ang paiiralin para sa ika-46 na edisyon ngayong 2021 simula sa Philippine Cup sa Abril 9.     Nabatid kahapon professional cage league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na pagbabatayan pa ng PBA Board of Governors o team owners reperesentative ang magiging diskarte sa […]

  • Sara Duterte ‘tatakbo talaga sa pagkapangulo’

    Tutungo na raw talaga sa pagtakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pagbabahagi ng isa niyang kaalyado sa pulitika.     Martes kasi nang umatras si Duterte-Carpio sa kanyang re-election bid sa 2022 sa Davao, dahilan para lumakas ang ugong-ugong na tatakbo siya sa pagkapresidente sa pamamagitan ng substitution bago ang deadline nito sa ika-15 […]