Jose Cardinal Advincula itinalagang Archbishop of Manila ni Pope Francis
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ngayon ng Vatican ang pagtatalaga ni Pope Francis kay Jose Cardinal Advincula bilang bagong arsobispo ng Archdioces of Manila.
Si Advincula bilang ika-33rd na arsobispo ng maynila ang ipinalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle na siya na ngayong prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na nakabase sa Roma, Italya.
Mula pa noong February 2020 ay walang arsobispo ang Maynila at si Bishop Broderick Pabillo muna ang itinalagang apostolic administrator.
Noong buwan naman ng Nobyembre ng nakalipas na taon ay pormal na hinirang ng Santo Papa si Advincula bilang bagong kardinal ng Simbahang Katolika.
Ang 68-anyos na si Advincula ang kauna-unahang cardinal mula sa Archdiocese of Capiz.
Ipinanganak siya noong March 30, 1952 sa bayan ng Dumalag sa Capiz.
Naordinahan siya bilang pari noong taong 1976.
Si Advincula na isa ring canon lawyer, ay nagsilbi bilang obispo ng San Carlos sa loob ng 10 taon bago siya hinirang na arsobispo ng Capiz noong November 2011.
Nagsilbi rin siya sa mga seminaries ng Vigan, Nueva Segovia at regional seminary ng Jaro, Iloilo.
Ikaapat si Advincula sa living Filipino cardinals, kasama si Cardinal Tagle, at ang dalawang mahigit 80-anyos na sina Cardinal Orlando Quevedo at Cardinal Gaudencio Rosales.
-
Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort
Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield. Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield. Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban. Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]
-
Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP
LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon. […]
-
Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO
TARGET ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa. Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s […]