• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jose, gaganap na kapatid niya: VIC, babu na muna sa pagiging ‘daddy’ sa bagong sitcom

BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA.

 

 

“Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact  sa dalawang generations; millennial at yung mga Gen Z.

 

 

“Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon e, di ba?

 

 

“So it’s more of papaano ka makiki-interact sa mga Gen Z, sa mga millennial, may mga kani-kanyang ideya na yang mga yan, e.

 

 

“So yung dynamics nung show is bukod dun sa nangyayari sa loob nung convenience store, it’s Open 24/7, ang location niyan is a convenience store na pag-aari naming dalawa ng kapatid ko na si Jose.”

 

 

Si Jose Manalo ay gaganap bilang si Spark na kapatid ni Boss EZ/Vic.

 

 

“Oo maniwala kayo kapatid ko si Jose! ‘Pag may kokontra e magkita tayo sa labas,” pagbibiro pa ni Vic.

 

 

“So iyon, yung character ko dito as the boss, supposedly the boss nung convenience store, so iba, iba yung magiging personalidad ko dito.

 

 

“Usually sa Daddy’s Gurl (na umere sa GMA mula 2018 hanggang 2023) ako yung tatay, yung daddy, ganun din sa Daddy Di Do Du (na umere naman mula 2001 hanggang 2007), daddy rin, so right now medyo aalis muna ako dun sa daddy role.

 

 

“Kumbaga e ano lang ‘to, Dabarkads ito,” pahayag pa ni Vic.

 

 

Female lead sa ‘Open 24/7’ si Maja Salvador bilang si Mikaela at makasama nina Vic, Maja at Jose ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo bilang Kitty at Allen Ansay bilang Al at ang Sparkle artists na sina Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy, Abed Green bilang Fred at si Bruce Roeland bilang Doe.

 

 

Sa direksyon ni JR Reyes at mula sa GMA at M-Zet Productions mapapanoood ang ‘Open 24/7’ simula ngayong gabi, pagkatapos ng ‘Magpakailanman’.

 

 

***

 

 

SPEAKING of ‘Magpakailanman’ o #MPK, isang celebrity life story ang tampok sa bagong episode ng naturang real life drama anthology.

 

 

Ibinahagi ni ‘Bubble Gang’ star at Kapuso actress Faye Lorenzo ang kuwento ng kanyang buhay sa episode na pinamagatang Daughter’s Dollhouse: The Faye Lorenzo Story.

 

Dahil sa regalong dollhouse ng mga magulang niyang sina Itoy at Gilai, pangarap ni Faye na makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

 

Pero dahil sa hirap ng buhay, bigla silang aabandonahin ng nanay nilang si Gilai. Sa murang edad, mapipilitan si Faye na maging breadwinner ng pamilya.

 

Para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga mas nakababatang kapatid, makikipagsapalaran si Faye sa mundo ng showbiz.

 

Unti-unti nang bumubuti ang buhay ni Faye at ng kanyang pamilya nang harapin nila ang panibagong pagsubok–mada-diagnose ng cancer ang ama niyang si Itoy.

 

Abangan ang natatanging pagganap ni Faye Lorenzo bilang kanyang sarili sa brand new episode ng #MPK ngayong 8:00 pm.

 

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia

    Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.   Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.   Ang passenger […]

  • KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).       [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       “I’d grown up with her, watching her […]

  • Mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon pumalo na sa 1-M – WHO

    NASA mahigit isang milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon lamang.     Ayon sa World Health Organization (WHO), isang nakakalungkot na balita ito dahil sa may mga kaparaanan na sana para ito ay malabanan.     Mula ng ma-detect ang nasabing virus noong 2019 ay mayroon ng mahigit anim na milyon ang […]