• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw

LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa isang programa na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Sentrong Pangkultura sa lungsod na ito kahapon.

 

Kinatutuwaang tawagin ng kanyang mga estudyante bilang “Inang”, itinatag at pinamunuan ni Meneses, isang guro sa Bulacan State University, ang BulSU Lahing Kayumanggi (LKDT) na nagsilbing inspirasyon sa mga pangkat mananayaw hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

 

Itinanghal ng ilang pangkat mananayaw sa lalawigan kabilang ang Bulacan Agricultural State College Liping Tagalog Folkloric Group, Hiyas ng Hagonoy Folkloric Group, Iba National High School Dance Troupe, Indak Guiguintenyo, Sining Bulakenyo, Sta. Cruz Elementary School Troupe, at BulSU LKDT ang kanilang pinakamagandang piyesa ng katutubong sayaw bilang pagbibigay parangal sa kanilang namayapang Inang.

 

Hinangaan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang husay ni Meneses sa pagsasayaw na hindi niya sinarili bagkus ay ibinahagi at ipinasa niya sa kanyang mga estudyante, na siya ding hiling ng gobernador para sa susunod pang henerasyon.

 

“Sa kanyang pagtatag ng BulSU Lahing Kayumanggi, nakalikha siya ng isang komunidad kung saan malayang nasasaliksik, napapaunlad at naipamamalas ang pagmamahal sa sining ng pagsasayaw ng mga kabataan. Sa mahabang panahon ng kanyang pagtuturo ay naihubog niya hindi lamang ang galaw at indak ng kanyang mga mag-aaral, lalong higit ay naitimo niya ang kanilang disiplina, pagpapahalaga at tiwala sa sarili,” anang gobernador.
Samantala, inalala ng unang pinsan ni Meneses na si Miriam Roxas-Kho kung paanong ayaw umalis ng kanyang pinsan sa Pilipinas kahit pa pinipilit siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang malalim na pagmamahal sa kanyang propesyon at sa mga kanyang estudyante sa pagsayaw.

 

“On behalf of our whole family, lubos po ang aming pasasalamat at kasiyahan ng aming mga puso sa inyong pagpapahalaga sa kanyang buhay, sa kanyang naitulong sa kultura ng sayaw. Ang buong pamilya po namin ay nagpapasalamat sa pagmamahal na pinapakita po ninyo sa kanya, sa tribute na ito. Hindi po namin ito makakalimutan,” ani Roxas-Kho. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sharon, pumayag na i-tour ang condo units sa vlog ng comedian friends

    PUMAYAG si Megastar Sharon Cuneta na i-tour ang kanyang condominium unit for the first time through a vlog ng kanyang comedian friends na sina MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, and Chad Kinis or her Beks Batallion.   Ipinakita ni Sharon sa tatlo ang dalawa niyang units that occupied the whole floor of the condominium. Una […]

  • Beauty, excited kung magkaka- project sila ulit ni Dimples

    BABALIK din pala pala sa Kapamilya network si Beauty Gonzales pagkatapos ng I Got You series nila nina Jane Oneiza at RK Bagatsing sa TV5 mula sa direksyon ni Dan Villegas handog ng Brightlight Productions at Cornerstone Studio.   Inamin ng aktres na may communication siya sa mga taga-ABS-CBN. Inakala raw kasi ng iba na […]

  • Ads January 25, 2024