Beauty, excited kung magkaka- project sila ulit ni Dimples
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
BABALIK din pala pala sa Kapamilya network si Beauty Gonzales pagkatapos ng I Got You series nila nina Jane Oneiza at RK Bagatsing sa TV5 mula sa direksyon ni Dan Villegas handog ng Brightlight Productions at Cornerstone Studio.
Inamin ng aktres na may communication siya sa mga taga-ABS-CBN. Inakala raw kasi ng iba na dahil may mga show sila ni Dimples Romana sa TV5 na nakasama niya sa toprated series na Kadenang Ginto ay tuluyan na nilang iniwan ang Kapamilya network.
“Siyempre nu’ng ibinalita po sa akin, unang-una akong nagpaalam sa asawa (Norman Crisologo) ko kasi may pandemic ngayon saka frontliner din kami bilang mga artista na lalabas kami para magbigay ng saya sa mga tao and also inspiration in their lives, so we are also risking our lives kaya nagpaalam ako at pumayag siya kaya thank- ful ako ro’n.
“Nagpaalam ako sa mga boss ko sa ABS-CBN kasi siyempre sobrang grateful ko sa kanila kasi hindi naman magiging Romina Mondragon ako or Beauty Gonzales kung hindi dahil sa kanila.
“Dahil sa kanila nakagagawa ako ng ganito kagagandang projects, nakukuha koi tong mga ganitong magandang offer, nu’ng pumayag sila, tinanggap koi tong TV5 na project, and honestly, I’m happy that sir Albee (Benitez-producer) is doing this if he can get the best and the brightest stars in front and behind the camera and put in good place. It’s a nice thing na lahat kami may trabaho ngayon. Lahat kami puwede naming ipakita kung ano pa ang kayang ipakita not only to ABS-CBN but also to TV5.
“And babalik din ako do’n (ABS-CBN), may gagawin din ako ro’n soon and you know I’m just so happy na nangyayari ito ngayon ang lahat kami nagkakaroon ng trabaho ngayon lalo na sa panahon ng pandemya.
“’Yung Brightlight productions sobrang thankful ako kasi lahat kami maayos ang work namin, ang sarap bumalik sa trabaho, lahat kami we feel safe and then when you feel safe mas lalo mong maipakita ‘yung galing mo di ba?
“So haping-hapi ako na nandito ako ngayon (TV5) at happy din ako na open silang (ABS-CBN) lahat kung saan man kami mapupunta,” mahabang kuwento ni Beauty.
Sa pagbabalik ba niya sa Kapamilya network ay makakasama niya ulit si Dimples.
“Well, alam mo naman si Romina (Mondragon) hindi aatras sa laban. Lalaban tayo diyan kung meron. I will fight di ba? Excited ako kung magka-project kami ulit ni Dimples o kahit sino man excited talaga ako.
“I’m just happy to make people happy, I’m happy to make people cry, to make people laugh, to make people relate themselves and you know, I think everything that’s happening with us right now I always believe that good things happen to good people, we just doing good,” sabi pa ng aktres.
Paano pala kung hindi lang isang season aabutin ang I Got You dahil magki-click ito at for sure ire-renew ng TV5 ang kontrata ng Brightlight for another year, hihintayin ba ng ABS-CBN si Beauty?
Noong Linggo, Oktubre 18, nagsimula nang mapanood ang I Got You sa TV5 pagkatapos ng Sunday Noontime Live. (REGGEE BONOAN)
-
Scrimmage ipu-push ng PBA sa May 16
Puntirya ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang scrimmage ng mga teams sa Mayo 16 kung bibigyan ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ito ang isa sa mga tatalakayin sa pakikipagpulong ng pamunuan ng liga sa local government unit sa Batangas na magsisilbing training venue ng ilang PBA teams. […]
-
Masayang-masaya ang bonding moment ng mag-ama: JENNYLYN, naging emosyonal habang bini-video sina DENNIS at BABY DYLAN
NAGING emosyonal si Jennylyn Mercado habang bini-video ang muling pagkikita ng kanyang mag-amang sina Dennis Trillo at Baby Dylan. Nauna na kasing pumuntang Las Vegas si Jennylyn at Baby Dylan para magbakasyon. Sumunod naman si Dennis sa Amerika matapos ang taping nito para sa ‘Maria Clara at Ibarra’. Sa isang Instagram video […]
-
Balitang ila-lockdown ang MM ngayong holiday season, fake news
MULING PINABULAANAN ng Malakanyang na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila (MM) na may 12 milyong katao sa panahon ng Pasko at Bagong Taon para mapigil ang pagkalat ng Covid -19. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga walang hiya lamang na gustong siraan ang Pasko dahil nagpapakalat ng pekeng balitang ito. “Fake news […]