• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Joy Belmonte at Tzu Chi foundation, umayuda sa mga jeepney drivers sa Quezon City

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng mga opisyal ng  Taiwanese NGO na Tzu Chi foundation  ang pamamahagi ng bigas at grocery items sa may 2,500 jeepney drivers ng ­Quezon City.

 

Sa isang simpleng seremonya sa QC Hall kahapon, sinabi ni ­Mayor Belmonte na malaking tulong ang kaloob na ayuda sa mga jeepney drivers para mabawasan ang problema ng mga ito sa gastusin sa pagkain.

 

Anya, 20 kilo ng bigas at mga grocery items ang kaloob sa bawat miyembro ng QC Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) na ibinigay na ayuda ng naturang foundation.

 

Sinabi ni Mayor Belmonte na ang relief goods ay  ipagkakaloob ng foundation sa mga benepisyaryo sa loob ng tatlong buwan o mula ngayong Setyembre hanggang Nobyermbre.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Mrs. Woon Ng, opis­yal ng Tzu Chi foundation, ang benepisyaryo ng ayuda ay pinili ng samahan base sa naisumiteng talaan ng  QC hall.

Other News
  • Ads May 23, 2023

  • Isko, balik-Maynila dahil sa utang na loob sa mga Manilenyo

    TAHASANG sinabi ni dating Manila Mayor Isko Moreno na ang pagbabalik Maynila niya ay pagpapatuloy ng kanyang pagtanaw ng “utang na loob” sa mga Manileño.     Sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kahapon, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Moreno sa pagka alkalde kasama ang […]

  • Ads April 25, 2024