JUANCHO, na-witness lahat kung paano ipinanganak ni JOYCE ang kanilang baby boy
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
BREAK na si Ciara Sotto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.
Nagpa-Q&A ito noong July 2, birthday niya mismo.
May nagtanong kay Ciara kung sila pa ba ng boyfriend.
“Nope, I’m single now,” ang pag-amin niya.
“I’m single again,” natawang sabi pa niya.
“Sometimes things don’t work out and that’s okay.”
Sabi pa rin niya tungkol sa naging break-up, “I just feel that when something has to end, you just need to end it, especially when you have peace in your heart.
“And when it’s not working anymore, you just have to let it go and wait for God to surprise you again.”
Mukhang masaya naman si Ciara sa naging desisyon. Single ang very, very happy raw siya ngayon.
**
DADDY na si Juancho Trivino at Mommy naman na su Joyce Pring.
Noong July 2 pa pala naipanganak ni Joyce ang kanilang baby boy pero July 5 na ng umaga ipinost ni Juancho ang kanyang mag-ina na nagsilbing official announcement nila.
Ayon kay Juancho, na-witness daw niyang lahat kung paano ipinanganak ni Joyce ang baby boy nila na pinangalanan nilang Alonso Eliam Pring Trivino. Sey pa niya, halos mamatay raw ang pakiramdam niya na nakikita niya kung gaano siguro ang hirap ng kanyang misis.
Sabi ni Juancho, “July 2, 2021, we welcomed our first born son, Alonso Eliam Pring Trivino to this world. Guys, na witness ko lahat at ang masasabi ko lang, this is a feeling that never had before.
“From seeing Joyce my love deliver (literally froze me to death), hearing our baby cry for the first time (took my breath away) and held him in my arms for the first time (couldn’t stop looking at him). I will always thank God for everything and now especially the gift of Life.”
Congratulations Juancho and Joyce!
(ROSE GARCIA)
-
China, umaasa na papalag ang Pinas kapag inaabuso na, kinakaladkad sa isyu ng ‘trouble waters’
UMAASA ang China na papalag at tututol na ang Pilipinas kapag inaabuso na o may nagsasamantala at kinakaladkad sa isyu ng “trouble waters.” Ang pahayag na ito ng Chinese embassy sa Maynila ay matapos na sabihin ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa Camp Aguinaldo na muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos […]
-
Covid-19 Saliva test inaasahang maaprubahan ng gobyerno
Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na maaaprubahan na ng gobyerno ngayong linggo ang COVID-19 saliva test. Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng molecular laboratory ng PRC, na posibleng makuha nila ang approval sa paggamit ng saliva test mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa mga darating […]
-
Perfect couple at kita na ang pagkakahawig: IG post ni BEA na kasama si DOMINIC, pinupuri ng netizens
MAY possibility pala na mabawasan ang mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” pero hindi naman ibig sabihin ay tatanggalin nila ang mga regular hosts na napapanood ngayon, kundi may mga soap o ibang projects silang gagawin. Ibig sabihin, magkakaroon ng conflict sa schedule nila dahil may mga tinanggap o may ibinigay […]